Hindi ako hinayaan ni Quinn na humarap sa kalan dahil ayaw niya raw na mainitan ako kaya ang ending ay tagahiwa lang ako ng mga gulay, sibuyas, bawang at kung ano-ano pa. Sa totoo lang kanina pa ako naaawa sa kaniya dahil pawis na pawis na siya. Hindi man lang kasi siya naglagay ng towel sa likod niya. Kanina ko pa siya gustong utusan na magpalit muna siya ng damit dahil baka magkasakit siya kaya lang nahihiya ako dahil baka sabihin ng mga tao rito na umaakto ako na kasintahan ni Quinn kahit hindi naman. “s**t!” Sa katitingin ko kay Quinn ay bahagya kong nahiwa ang kamay ko dahil habang naghihiwa ako ng carrots ay sa kabuuan niya ako nakatingin. Mabuti na lang at hindi masyadong malalim dahil kung hindi ay baka nabawasan na ng isa ang mga daliri ko. “May I see.” Nagulat ako nang

