Halos hindi ako makahinga pagkatapos ikuwento ni Quinn sa akin ang lahat. Iyak ako nang iyak dahil lahat ng iniisip ko kanina ay totoo pala talaga. Naninikip ang dibdib ko dahil alam kong kasalanan ko ang lahat. Matagal na kasi talaga akong pinipilit ni Daddy noon na lumipat na ng bahay pero ayaw ko talaga. Napilitan lang akong pumayag nang mag-agaw buhay ang lalaking sumagip sa buhay ko noon na hindi ko akalain na si Quinnell pala. “Dapat hindi ko na lang pala sinabi sa iyo ang lahat kung alam kong magkakaganiyan ka,” ani sa akin ni Quinnell dahil kanina pa niya ako pinapatahan pero parang ayaw tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. “Goodness, Venezia. Mapapagalitan ako ng mga magulang mo kapag nakita nila na ganiyan ang hitsura mo. Siguradong iisipin nila na sinaktan kita dahil nama

