Chapter 45 Noreen "Tulala ka nanaman!" sita sa akin ni Ron, doon ko naibalik ang atensyon ko sa ginagawa. The shop has been expanded kaya mas marami na rin ang na-a-accommodate nito. Lately, lalo pa itong sumikat sa mga estudyante kaya naman dinarayo na rin ito ng taga ibang university. "A-Ah?" sagot ko kay Ron and tried to smile. "W-Wala, natutuwa lang ako, you've been working hard Ron, see okay ang business natin." Pag da-divert ko ng usapan. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin, alam kong nakakaramdam siya pero mas mabuti ng wag muna naming pag-usapan ngayon. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko. "So, nagka-usap na kayo ni Cloud?" seryoso niyang tanong matapos mag-serve ng mga orders. "Y-Yep." Maikli kong sagot. "Hindi na ba talaga s

