Breathless #49 Noreen "It's your turn." Bulong sa akin ni Ron matapos mahinang tapikin ang balikat ko. I looked at him bago tumango. "Kaya mo ba?" may pag-aalalang tanong niya "Namumutla ka, do you want me to-" agad akong umiling dahilan para huminto siya sa pagsasalita. Tumango na lang siya sa akin saka saglit na ngumiti. Tumayo ako saka naglakad patungo sa harapan. Today is Daddy's last day. I took a glance on the piece of paper where my eulogy for Dad was written. Ilang beses akong napalunok at napatingin sa harap matapos titigan iyon. Nakita ko si Mommy na walang tigil sa pag-iyak. Andon din ang iba naming kamag-anak na hindi ko alam kung nasaan habang naghihirap si Daddy. Ilang business men na colleagues ni Dad ang nakita ko rin, meron din kaming pinayagan na kaunting media. Ramda

