"Iniisip mo siya, ano?" tanong ni Rex kay Andy. "Sino?" "Sino pa ba? Eh, di si Clyde." "Hindi kaya," pagkukunwari pa nitong sabi. "Nagde-deny ka pa. Alam mo, Andy the more nai-deny mo 'yan, the more na nagsasabi ang mga mata mo na nagsisinungaling ka." Napabuntong-hininga na lamang si Andy sa tinuran ni Rex. "Hindi ko lang kasi mapigilan na isipin siya," pagtatapat nito. "Halika, let's swim. We're here to enjoy kaya halika na." "Okay. Let's go." Si Rex ang kasama niya pero si Clyde ang kanyang hinahanap. Pinipilit na lang niya na maging okay, ngumiti at tumawa at sa tulong ni Rex at nang tropa kahit papaano nalimutan niya ang sakit sa puso ko. "Babe, where are you? Can we go out now?" tanong ni Cassandra kay Clyde mula sa kabilang linya. "I want to take a rest," sagot naman n

