Episode 11

663 Words
"Good morning, son. Halika na, sabay ka na sa'min kumain," aya ni Lucy kay Clyde, isang umaga nang madatnan sila nitong nasa hapag kainan. Nilapitan ni Clyde ang  ina and he kiss her forehead tapos sunod na hinalikan niya ay si Grandma. Paupo na sana siya ng pasimpleng sinenyasan siya ni Lucy para batiin na rin si Andy. "Hood morning, hon," kunwa'y bati niya rito kahit labag sa kanyang kalooban. "Good morning, too," ganti rin nito. Hinalikan ni Clyde sa noo si Andy. Kailangan niyang maging sweet sa harap ni Grandma dahil ang pinaniniwalaan nito ay totoong nagmamahalan sila ni Andy kahit hindi naman. "Mag-asawa na kayo, kasal na so dapat bumukod na kayo." Napatingin silang tatlo kay Grandma.  Ano kayang binabalak nito? Papalayasin na ba sila sa bahay na 'to? "Kailangan niyo ng mag-iba ng tirahan ...nang bahay." "But why, Ma? Ang laki ng bahay na 'to. Pwede naman sila dito at-----"Mag-asawa na nga sila, di  ba? Ang mag-asawa dapat may sariling bahay," segunda pa ni Grandma. "Pero, Ma----- "It's  okey, Ma. Lilipat na lang kami ni Andy.  Mamaya, hahanap kami ng mapagrentahan," ani Clyde. "No! You don't need to do that. May bahay na akong binili para sa inyo," nagkatinginan ang tatlo sa narinig galing kay Grandma. Pinlano na pala nito ang lahat. Ano pa nga ba ang magagawa nila? Si Andy, hindi naman umiimik. Hindi alam ni Clyde kung ano ang iniisip niya. Ito nag-alsa balutan na sina Clyde at Andy kasi nga raw kailangan na nilang bumukod. Sa totoo lang, gusto rin nila ito dahil magiging malaya silang dalawa kung ano 'yong mga gusto nilang gawin ng walang kunwarian. Di na rin nila kailangang maglambingan para mapaniwalang mag-asawa't-nagmamahalan mha sila ng tunay.  Isang subdivision kung saan nakatirik 'yong bahay na binili ni grandma. Maliit lang ang bahay pero maganda. Hindi kalakihan ang sala nito. May mga portrait na ring nakasabit. Hindi rin kalakihan ang dining area pati na ang kitchen sink. Kasyang-kasya lang talaga para sa mag-asawang kakasimula pa lamang. May tatlong kwarto, ang isa ay guest room at ang dalawa ay halos magkasinglaki lang pero nang silipin nila ang isang kwarto ay ganu'n na lang ang pag-iling na ginawa ni Clyde dahil alam niya kung para saan ang isang kwartong 'yun. "Ano 'to? Ba't ganito 'to? May mga toys pa, para san -------"Magtatanong pa. Eh di para sa bata. Common sense nga Andy," ani Clyde saka siya lumakad patungo sa kabilang kwarto,"....ag-expect talaga si Grandma na magkaka-apo siya sa tuhod," mahina niyang sabi sabay nagpalawala siya ng isang fake smile. "Pero di mangyayari yon, nuh?" mahina ring sabi ni Andy. "Occupy that room..." sabi ki Clyde sabay turo sa guest room, "...ayokong katabi ka dahil baka gapangin mo pa ako," dagdag pa niya. Napaawang ang mga labi ni Andy. Napaka-confident naman nito para sabihing gagapangin niya ito. Dahil du'n, uminit ang dugo ni Andy. Hindi naman siya manyak gaya ng iniisip nito para gawin niya ang sinabi nito. Inis na hinarap niya ang asawa. "Hoy! Anong tingin mo sa'kin, ahas para gapangin ka? Ikaw na lang din? Magpapakamatay na lang ako. Baka nga ikaw ang manggapang, eh!" ganti rin niya. "Anong tingin mo sa katawan mo pangrampa para pagnanasaan ko? Hoy! Para sa kaalaman mo, kahit kailan hindi ko pagnanasaan 'yang patpatin mong katawan kahit na mag-isa ka na lang sa mundong 'to," may pagdidiin sa bawat sinabi ni Clyde. "Aba! Nagsalita ang akala mo kung sinong macho eh parang halaman lang naman na hindi nadiligan at di nalagyan ng fertilizer eh," pang-iinis pa ni Andy. "Anong sabi mo?" napipikon mg tanong ni Clyde rito. "Ang sabi ko ho, pupunta na po ako sa kwarto ko dahil baka mahawaan pa ako ng pagiging mahangin ng tao dito," aniya saka tumuloy na sa guest room. Napatingin sa kanya si Clyde pero pinandilatan lang niya ito ng kanyang mga mata saka agad na siyang pumasok sa guest room at di na niya ito pinansin pa kahit tinatawag pa siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD