"Dude, ang ganda talaga ng pinsan mo, ano?" puna ni Kent isang araw nang mapagsarilinan na silang magkakabarkada.
"Syempre naman! Lahi kaya kami ng mga gugwapo't-magaganda." Pasimpleng napalingon si Clyde patalikod kay Kent at napangiwi. Para kasi sa kanya sila lang ang may lahing ganu'n pero ang Andy'ng yon, wala! Walang-wala dahil di naman siya maganda.
"May boyfriend na ba siya?"
Napatingin si Clyde kay Kent. Kasalukuyan silang nasa beer house na pagmamay-ari nina Oliver.
"Naku! Sa tingin mo kaya?" He asked him
"Hmmmfff . I donno. I'm not sure."
"Pihikan yon. Mataas kasi ang standard nu'n pagdating sa mga lalaki."
"Ahh, ganu'n ba?"
Napatingin uli si Clyde kay Kent. Bakit kaya ganito 'to kung magtanong? May binabalak kaya 'to?
"Dude, pwede mo ba akong ilakad sa kanya?"
Biglang naibuga ni Clyde ang beer na iniinom niya dahil sa sinabi nito. Tama nga ang hinala niya. Naku! Tinamaan yata sa pangit na 'yon ang kaibigan niya at magpapatulong pa sa kanya.
"Pwede ba, Dude?" tanong pa nito.
"Sige, tulungan mo na yan," ani Nico.
"Ehhh ...di ako sanay sa mga ganyan ehh. Kay Nico ka na lang magpatulong," pagtatanggi niya.
"Ay, naku! Sori guys. Di na'ko pwede diyan. Si Oliver oh, madiskarte yan," tutol rin ni Nico.
"Eh, ba't ka pa magpapatulong? Magaling ka naman diyan, di ba? Kaliwa't-kanan kaya 'yang mga babae mo," pagbubulgar naman ni Oliver.
"Eh, Dude. Iba siya ehh. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko," palusot naman nito.
"Baka iiyak lang yon dahil sa'yo. Ako pa sa'yo,Dude. Hanap ka na lang ng iba, huwag mo siyang isama sa mga naging babae mo." Ewan lang ba pero bakit pakiramdam ni Clyde gusto niyang itago si Andy mula kay Kent.
"Dude, seryoso ako. Hindi ko siya sasaktan, pangako. Tulungan mo naman ako, please," pakikiusap nito.
"I'll try," matipid niyang sagot.
"Thank you, Dude," nakangiti nitong sabi pagkatapos.
Sa dinami-dami ba naman na pwede nitong lapitan upang tulungan itong mapalapit kay Andy, bakit sa kanya pa? Akala siguro nito tutulongsiya. Never niyang gagawin 'yun! Asawa niya ang babaeng pinagkaka-interesan nito bakit naman siya papayag sa gusto nitong mangyari? Bakit nga ba hindi? Lihim na napailing si Clyde sa isiping 'yun. Sa totoo lang, may bahagi ng isip niya ang nagsasabi ok lang dahil hindi naman niya mahal si Andy pero may bahagi rin ng isipan niya ang nagsasabing hindi pwede dahil asawa niya 'yun.
"Wala ka na bang balita kay Cassandra, Dude?" pag-iiba ng usapan ni Nico. Napatingin siya rito na galit. Agad namang binatukan ni Oliver ang kaibigan.
"Aray! Oliver naman! Ba't mo'ko binatukan?" Kinapa nito ang bahagi ng ulo nitong binatukan ni Oliver.
"Past is past! Ba't Mo pa ibinabalik?"
"Sorry nga, di ba atsaka----"I don't need her and I don't love her anymore. So, please stop talking about her! I don't want to hear even the first letter of her name!"
Napatahimik silang lahat. Galit na galit naman si Clyde. Bakit pa kasi ibinabalik ang tapos na? Bakit ba kasi hinuhukay pa ang nakabaon na! Sobra siyang na-bad trip sa nangyari.
Nababagot na si Andy sa kahihintay kay Clyde. Anong oras na pero hindi pa rin ito lumalabas sa kwarto nito. Male-late na sila sa kanilang klase dahil sa sobrang tagal nitong lumabas.
"Hoy, bingbang! Di ka ba papasok? Labas ka na diyan! Bilis!"
1 2 3 4 5 minutes na siya sa labas ng room nito pero wala pa ring Clyde na lumabas. Kinatok na noya ang pinto nito para mapabilis ang kilos nito. Pero wala pa rin.
"Ano ba? Tulog ka pa ba diyan? Pwede bang bumangon ka na? Male-late na tayo," sigaw niya mula sa labas ng kwarto nito.
Naghintay muna sandali si Andy kung walang lalabas papasukin na niya talaga 'to. Ilang sandali pa ang hinintay niya. Alam niyang lalabas din si Clyde. Konting tiis pa, lapit na! Lapit na talaga! Lapit ng maubos ang pasensiya niya. Kanina pa siya sa labas ng kwarto nito pero bigo pa rin siyang makitang lumabas ito.
"Clyde, ano ba?!" sigaw niya. Hinawakan niya ang door knob at napagtanto niyang bukas pala iyon. Bahala na! Papasukin na talaga niya ito. Dahan-dahan niyang itinulak ang door knob saka siya tuluyang pumasok pero walang tao.
"Saan naman kaya ang mo'kong na yun?" tanong niya sa sarili.
Baka sa ilalim lang ng kama, pinaglalaruan siya. Sinilip niya ang ilalim ng kama pero wala pa rin. Baka nasa banyo, titingnan sana niya ito kaya lang biglang nagbago ang isip niya baka ano pa ang makikita niya doon pero mukhang tahimik naman ang loob ng banyo.
"Nasa'n ba kasi ang mokong na yon?" namamaktol niyang tanong sa sarili. Sa kanyang paghahanap kay Clyde, isang nakabalot sa plastic bag na nasa ibabaw ng center table nito ang nakaagaw sa atensyon niya. Tiningnan niya ito. Mukhang itatapon na ni Clyde ang kung ano mang bagay na nasa loob ng plastic bag na 'yun. Binuksan niya ito para maayos na matingnan at ganu'n na lang ang pagguhit ng pagtataka sa kanyang mukha sa kanyang nakita. Picture ng isang babae at may isa pa, mas malaki. Kinuha niya iyon at nakita niyang si Clyde ang lalaking nasa picture! Nakayakap ito sa babaeng kapareho ng mukha sa unang frame na nakita niya. Pareho silang nakangiti, mukhang ang saya-saya nila.
"Girlfriend ba niya ang babaeng to?" tanong uli ni Andy sa sarili habang nakatingin sa picture. Bakit ganu'n? Bakit biglang nag-iba ang nararamdaman niya? Bakit parang ------ah! Basta! Mali to. Di niya to pwedeng maramdaman. Kung siyota to ni Clyde, ano namang paki niya du'n? Isa pa kung anuman ang mayroon sila ni Clyde ngayon ay dahil lang 'yun sa isang contract. Per nasaan na kaya ang babaeng 'to ngayon? Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa ni Clyde?
"What the hell are you doing here?"
"Ay, kabayo!" sigaw ni Andy. Gulat na gulat siya sa bigkaang pagsulpot ni Clyde sa kanyang likuran at sa sobra niyang gulat ay nabitawan niya ang frame na kanyang hawak sabay nang biglaan niyang pagtalon. Hindi sinasadyang na-out balance siya na naging dahilan upang siya ay bumagsak. Rinig na rinig pa niya ang pagbagsak ng frame sa sahig. Napapikit siya nang siya ay bumagsak pero agad rin naman siyang napamulat nang hindi niya maramdaman ang sakit bunga ng kanyang pagkabagsak. Labis naman niya iyong ipinagtaka at ganu'n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagtanto kung bakit hindi siya nasaktan. Clyde caught her! Nakatihaya ito habang nakatihaya rin siya sa ibabaw nito.
"Baka gusto mo nang tumayo ano? Ang bigat mo kaya," rinig niyang sabi nito. Para naman siyang natauhan sa narinig.
"Huh?! S-sorry."
Dali-dali siyang tumayo at ang plano'y iiwan na lamang niya ito pero nagsalita ito.
"Baka gusto mo rin akong tulungang makabangon. Ang sakit kaya ng likod ko dahil sa pagbagsak mo."
Ayaw sana niya dahil medyo nahihiya pa siya sa nangyari pero wala naman siyang magagawa. Kahit na hindi naman niya sinabing saluhin siya nito pero sige na nga, nagtatanaw kunwari ng utang na loob. Kahit nanginginig pa siya sa pagkabigla at hiya ay inabot pa rin niya ang kamay nito. Pati yata ang kanyang tuhod nanginginig na riin. Bahala na, hinila na niya ito patayo at buong lakas yata niya ang ibinuhos niya sa paghila kay Clyde pero parang nawalan na siya ng lakas kaya imbes na hihilain niya ang asawa patayo, siya pa ang nahila nito kaya ang naging ending, walang anu-ano'y bumagsak siya sa ibabaw nito. Nanlaki ang pareho nilang mga mata when they noticed that their lips met each other! Agad na itinukod ni Andy ang dalawa niyang kamay sa sahig sa magkabilang gilid ni Clyde at agad na tumayo. Patakbo siyang lumabas ng kwarto nito. Pagdating niya sa kanyang kwarto, ibinagsak niya ang katawan sa kama at idiniin niya ang mukha sa unan. Napasigaw siya sa kahihiyang naani. nakakahiya. Kung hindi na sana siya pumasok sa kwarto nito, sana hindi na nangyari 'yun. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa kasi niya tinulungan si Clyde sa pagtayo. How can she face him after what happened?
Nakabangon na si Clyde at kasalukuyan ng nakaupo sa kung saan siya bumagsak. Kanina pa nakalabas si Andy pero pakiramdam niya, nakadagan pa siya sa kanya ang asawa. Bakit ganu'n? He felt something wrong. Kanina pa nagkahiwalay ang kanilang mga labi pero pakiramdam niya, nakadikit pa ang mga labi ni Andy sa kanyang mga labi. This is the first time na nahalikan niya ito. Pareho silang nabigla doon pero pareho nga ba silang nabigla o baka siya lang ang nabigla dahil pinlano ito ni Andy? Hay, ewan! Tumayo na siya para makapunta na ng school. Nang palabas na sana siya ng kanyang kwarto, biglang nasipa niya ang isang bagay sa sahig. Tiningnan niya at pinulot. Si Cassandra! Ang picture nila. Lumabas siya kanina dahil itinapon niya ang ibang picture niyang kasama si Cassandra at dali-dali siyang bumalik ng kwarto nang hindi tumitigil si Andy sa pag-iingay. Pagpasok niya ay nakita niyang hawak nito ang frame. Alam na kaya nito ang tungkol sa kanila ni Cassandra? Buti nga kung nakita nito lalo na kung alam na nito ang tungkol sa kanila ni Cassandra. Pero, bakit noong maglapat ang kanilang mga labi kanina, may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya nararamdaman kapag si Cassandra ang kahalikan niya? Napapikit siya at pinilit ang sariling kalimutan ang nangyari sa araw na ito.