Cassandra's POV Dumating ang Mama at Lola ni Elvin dito sa Manila tatlong araw bago ang kasal. Sabi ng mga ito ay naghanda sila ng bridal shower para sa akin. Sinabi ko naman na hindi na kailangan pero mapilit sila. Tapos nang dumating sila kaninang maga ay kinaray na ako ng pamilya nito sa isa sa mga hotel ng Fontanilla. Hindi daw kase pwewedeng makita ako ng groom three days from now. Masama daw yun. Kahit daw mag usap ay hindi pwede. Galit na galit kanina si Elvin, pero wala itong nagawa. Lalo na ng itakas ako ng Lola nito. Napapailing nalang ako sa klase ng trip ng Lola at Mama nito. Katulad ngayon ay pumunta kami sa isang kilalang mall na alam kong mayayaman lang talaga ang pumupunta. Napapatawa nalang ako dahil daig pa namin ang presidente ng pilipinas sa dami ng Body guards ni

