MIKKO "Kumusta ang pag-aaral?" Tanong ko kay Aiko nang makita ko siyang papasok ng bahay. Sumbakol ang kanyang mukha. Kasalukuyan naman akong nagbabasa ng magasin sa living area. "Okay naman kuya. Wala namang pinagbago." Kaswal niyang sagot. Tumabi siya sa akin at binagsak ang bag sa maliit na mesa sa harap namin. Pagkatapos ay sumandal sa sofa habang nakatingala. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Napapikit siya at hinilot ang gilid ng ulo. "Nabubwesit lang ako dun sa pinsan mo. Pagsabihan mo nga 'yon kuya. Parati na lang akong iniinis e. Hindi ko naman pinapansin pero siya itong lapit ng lapit sa akin." Pagmamaktol niya. Maya halong inis at frustration sa kanyang boses. Ang tinutukoy niyang pinsan ko ay si Callum. Pinsan ko ito sa side ng totoo kong ama. "M

