MIKKO Nang malaman ni Nanay at Aiko ang tungkol sa plano ni Tatay para sa pamilya namin, nagulat ang dalawa. Unang nakahuma si Nanay. Agad siyang sumang-ayon dahil matagal na rin nila itong pinag-usapang mag-asawa. Matagal naman bago naintindihan ni Aiko ang tungkol sa plano pero pumayag na rin siya kahit marami siyang maiiwang kaibigan dito sa lugar namin. Kahit ako ay parang hindi pa kayang iwan ang Del Rio. Halos labing-apat na taon na akong naririto kaya mahirap ding iwanan ang lahat ng alaalang nabuo ko rito. Pero kailangan ko ring bitawan ang lahat ng iyon para makapagsimula ulit ako. Gayunpaman, parating mananatili sa isipan ko ang lahat-lahat, hindi na iyon mawawala pa. "Ano kaya ang magiging buhay natin sa Maynila kuya nu?" Tanong ni Aiko. Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad s

