CHAPTER 5 — STRAWBERRY SCENTED 1

2951 Words
Christian's POV "Hindi kasi magiging masaya kaya di muna ngayon." "Sus! Hindi muna ngayon kasi di pa yan tapos makipaglaban kay Jordan." Joshua "Loko ka, Joshua. Kakain na ako. Bahala kayo kung ayaw nyo." Saka ko na sinimulan ang pagkain, at ganun din naman sila. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Joshua. "Hmmm, guys, alam nyo, *chomp* mukhang patay na patay talaga yang si *chomp* Yassie kay Jordan. Kawawang bata." Joshua "*chomp* sinabi mo pa! Simula Grade 9 pa lang ata *chomp* tayo may gusto na yun dun." Aldrin "Pwede bang ibang topic na lang? Tsss. Nakakairita." "Aba, aba, si Christian naiirita. Hahaha!" Jerome "May problema ka ba dun, Christian?" Nagsalita na naman 'tong basagulerong to. Sino pa ba? "Tsss. Jordan, wala akong panahon para makipag-away sayo. Leave me alone." sabi ko sabay tayo, at lakad. "Tsk. Duwag ka pala ehh!" Jordan Wala ako sa mood makipag-away ngayon, kaya nagtungo na muna ako sa room. Di ko tuloy naubos pagkain ko. Hayst! May araw ka rin sakin, Jordan. Yassie's POV Ang totoo, wala naman akong kukunin sa room. Wala kasi akong ganang kumain dahil sa nangyari kanina. Hinang hina talaga ang katawan ko ngayong araw! Pagpasok ko ng room, may nakita ako sa armchair ko. Ano ba yun? Nilapitan ko yun. Nang makita ko, hmmm. Goya. Yung dark chocolate ang flavor. May nakadikit na note. Nang basahin ko, 'Sorry about what happened.' -Jordan- Galing kay Jordan? Buti pa si Jordan marunong magsorry, pero sina Christian, nakasalubong ko na kanina, di man lang nagsorry. Tsk. Kaya kahit papaano, napangiti ako. Iniwan ko yung note sa armchair ko, sabay labas ng room. Pumunta ako sa may teris, at dun ko binuksan at masayang kinain yung chocolate. Salamat talaga kay Jordan! "Hoy, uto-uto." Urgh! Napatingin ako kay Christian. Kay Christian lang naman ang napakapangit na boses na iyon eh! "Pwede ba!? Wag kang mangialam! Sinong uto-uto?? Ha? Ako?" "Ikaw may sabi nyan hindi ako." "Bwisit ka! Ako? Paano naman ako naging uto-uto? Ha?" "Tsss. Goya? Huh!" "Ano? May problema ka sa goya ko? Hoy! Etong goyang to, special to kaya wag kang epal!" "Special? Sa tabi tabi lang binili special na." "Baka yung mga goyang binibili mo ang nabibili mo sa bangketa! Hmph! Anyway, kahit na sa bangketa lang to nabili, kahit na napulot lang to, special pa rin 'to kaya will you please shut yur mouth dyan!?" "Huh! Eh di wow." sabi nya, sabay pasok ng room, at nakapamulsa pa. Oh never mind. May chocolate naman ako galing kay Jordan. Hmmm. Sarap ng hangin! Kaso mula sa may likod ko ang simoy. Sa halip na mula sa harap para may pa-flying hair effect pa, diba? Pero sa bagay, may pa-flying hair naman, kaso panggulo lang lalo ng buhok, mula sa may likod ang hangin ehh! Kinagat ko muna yung plastic ng Goya, sabay tali muna sa buhok ko. Di ko alam pero biglang gumaan na pakiramam ko. Baka gawa nung hangin. Christian's POV Ansarap talagang asarin ng babaeng yun. Bakit? Oh, never mind. Naupo na ako sa upuan ko, sabay hangin naman. Papunta sakin ang hangin. Hay! Nakakarelax. May biglang papel na maliit na lumipad mula sa armchair ni Yassie. Weird. Sa armchair ko bumagsak. Walang nakasulat. Hangin, nananadya ka ba? Kinuha ko yung papel. Walang nakasulat. Tiningnan ko sa likod, at ayun, may nakasulat. 'Sorry about what happened.' -Jordan- Tsss. Peace offering ba kamo? Tsk! Yung Goya na kinakain nya. Posible kayang, sa kanya galing yun? *Flashback* "—kahit na napulot lang to, tsss...special pa rin to kaya will you please shut yur mouth dyan!?" *End of Flashback* *dub-dub*dub-dub* *dub-dub*dub-dub* Napahawak ako sa dibdib ko. Sariling puso ko ba'tong naririrnig ko? Bakit ganito? Tsk! Kailan pa ako nagkaroon ng sakit sa puso? Napatingin ako kay Yassie. Nagtatali sya ng buhok nya habang kagat-kagat yung plastic ng Goya. Tsss. Bakit—mas lalong lumalakas ata? Aysstt! Magpapacheck-up ako sa weekend! Sinapak ko sarili ko, nagbabakasakali na mawawala ito. Pero, di pa rin. Lumabas nalang ako, papunta ng cr. Hindi ko na nilingon si Yassie. Bakit ko pa naman lilingunin yun? Ano bang nangyayari sakin? Tsk! Nang malapit na ako sa cr, nakita ko sina Jordan na paparating. Kasama nya si Danny. Danny Crisostomo, isa sa mga kalahi ni Jordan. Mabilis akong tumago. Habang sila, nagpatuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa, *kri-ring*kri-ring*kri-ring* "Teka lang, Danny." Jordan Hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko. Bakit ba? Wala namang glue ang ilalim ng sapatos ko! "Sino ba yan? Babae mo?" "Tsss. Pinatay na lang yung tawag. Si Diana, yung nakilala ko sa mall nung linggo. Ang ganda nun, pre! Hahaha" Jordan "Diana? Tindi mo talaga, pre! May Diana kana may Yassie ka pa!" "Hahaha! Mukha ngang hindi ako mahihirapan kay Yassie. Inayusan ko lang ng buhok kilig na kilig na. Patay na patay talaga sakin yung babaeng yun." "Eh kung papipiliin ka, sino sa dalawa? Si Diana o si Yassie?" "Syempre si Diana! Walang binatbat si Yassie dun! Ang gandang manamit, samantalang si Yassie, hahaha! Parang basahan ang damit!" "Pre, may naisip Ako. Mag-bar na lang tayo mamayang gabi. Mas maraming chicks dun." "Hhhmm, sige pre. Sa dati na lang tayo." "Saan? Sa Lego bar o sa Mega Manila bar?" "Sa Lego na lang. Mas maraming napuntang magagandang chicks dun." "Hahaha call. Tara na nga lang sa room." At umalis na sila. Narinig ko lahat. Kawawa talaga si Yassie. At naaawa lang ako, wala nang iba pa. Yassie's POV *Skiptime: Uwian ng hapon* Buti na lang medyo hindi naging mainit ang ulo ko ngayong araw. Sana pala lagi na lang may away—ayy! Erase! Erase! Ayaw ko pala ng may away lagi. Ano ba tong mga pinagsasasabi ko? "Uh, hehehe, Yassie, yung..." Pearl Ayy! Oo nga! Naalala ko! Kay Pearl nga pala yung palda na sinuot ko kahapon. "Uh, Pearl, kung yung tungkol sa palda mo, pwede bang bukas ko na lang isauli? Kasi nakalimutan ko eehh. Hehehe, promise, bukas, dala ko na yun." "Ahahaha! Di naman yun, Yassie. Ahm, gusto lang kitang kumustahin, sa mga nangyayari sayo." "Ah, hmm, ayos naman, kinakaya pa." "Pearl!" tawag ni Daisy, classmate namin. "Ah, nandyan na! Ahh, sige, una na ako Yassie. Ingat ka sa daan ahh? Sige. Babye." "Sige. Ingat ka din. Babye din." Ang bait talaga ni Pearl. Isa yan sa pinakamabait sa section namin, Pero di kami gaanong close. "Sigurado ka ba na okay ka lang?" "Oh, hehehe, Jordan. Kanina ka pa ba dyan?" sabi ko kay Jordan. Medyo malapit lang pala sya samin. And mas lumapit pa sya sakin. Waahh! Ayan na naman si Mr. Kilig! "Uh, hindi naman. Yung totoo, kumusta ka?" "Hay, medyo hindi ok, Pero ayos naman kasi hindi gaanong mainit ang ulo ko ngayong araw." "Buti naman kung ganun. Ahm, gusto mo ba ihatid na kita? San ba sa inyo?" "Ah, hindi na. Walking distance lang dito ang tinutuluyan ko kaya, okay lang ako." "Sigurado ka?" "Oo naman. Hehehehe." "Yassie, sorry ulit about dun sa kanina." "Okay na yun. Kalimutan mo na yun, at kinalimutan ko na din. Besides, ako pa nga dapat ang magpasalamat sayo, dahil sa pagligtas mo sakin kanina, at dahil sa Goya." "Hmm, ganun ba? Hahaha, oh sige. Una na ako." "Hihihi. Okay." Bago sya umalis, bigla syang umakbay sakin at, OMG! Kiniss nya ako sa noo! "Stay safe." sabi nya sabay kindat, talikod , at alis, sakay sa kotse, at paandar. "OMG! Totoo ba yun? Kkyaahhh! Kiniss nya ako sa noo!" Yiieehhh! *talon*talon*talon* Ansaya! Dahil dyan, "Universe! May forever! Yiieehhh!"sigaw ko. Waahh! Para na'kong baliw diba? Ganito pala pag in love, nakakabaliw talaga! "Lamporeber." Ayst! Panira ka talaga ng moment! Saka yung lamporeber nya, with matching, naranasan nyo na ba yung may tumulak sa ulo nyo mula sa may likuran, ganun. Bwisit talaga ehh. Pero pagkasabi nya nun, nagpatuloy lang sya sa paglalakad papunta sa kotse ni Richard. Nasan ba kotse nya? Baka naman naibangga nya. "Bitter ka lang kasi! Wala kang love life kaya ganyan ka!" sigaw ko. Hindi man lang namansin. Sumakay na sya sa kotse ni Richard. "Sinabi mo pa, Yassie. Bitter na bitter nga ata yan ngayon. Hahaha" Richard "Pano 'ta, ansama ng ugali! Paano yan magkakaroon ng forever!" "Mabait na tao yan, Yassie. Maniwala ka." Richard Napatingin naman ako sa sinabi nya. "Si Christian? Mabait? Seryoso ka ba? Baka may secret syang kakambal tapos yun yung mabait. Tsk. Mabait daw." "Malalaman mo rin, Yassie, oras na makapunta ka sa bahay nila." Richard, sabay alis. Ano raw? As if makakapunta Ako sa bahay nya! Saka, di ko nanaisin noh!!Never! Ma-ba-it. A big nonsense. Wala kasing kaporeber kaya bitter ang buhay. Richard's POV Aba! Sa wakas naman ako ang naging center of attraction. Nyhehehehe. Nagmamaneho ako ngayon pauwi, syempre kasabay 'tong si Christian na "bitter" daw. "Christian, san tayo?" No response from him. Bakit ko natanong? Kasi kanina pa yang tulala. Walang kaimik-imik. I hate to think this but, siguro may kinalaman yung nakita namin kanina, yung about kay Yassie and Jordan. "Christian, sa bar ba muna tayo? Akitin natin sina Joshua?" Parang ako ang nagmumukhang baliw dito. Nakikipag-usap sa hangin. "Puntahan natin si Yassie, gusto mo?" "Bakit naman nasingit sa usapan yung bwisit na babaeng yun." cold nyang sabi "Ayun. Lumabas din. Pagdating kay Yassie ang bilis ng sagot mo. Magtapat ka nga sakin. Gusto mo ba si Yassie?" "Saang lupalop ng mundo mo naman nakuha yang tanong na yan?" "Bro, napaghahalataan ka. Ewan ko kung ganun din ang tingin nila pero ako kasi, ganun." "Isasagawa na natin yung plano bukas kay Yassie." "Sigurado ka?" "Oo. Kailan ba ako nagdesisyon nang hindi sigurado? Sabihan mo na lang sila." "Tsss. Roger that, bro. Pero, sigurado ka ba na itutuloy mo pa yun, I mean natin?" "Bakit hindi?" Hayst! Di ko maintindihan itong, taong 'to. Minsan ang hirap ding basahin. Basta ang alam ko, may nilalaman na ang puso nitong kaibigan namin. Hmm. Swerte o malas? Yassie's POV 'Mabait na tao yan, Yassie. Maniwala ka.' 'Malalaman mo rin, Yassie. Oras na makapunta ka sa bahay nila.' Bakit ba paulit-ulit yung lines na yun ni Richard sa utak ko? Saka, buti na lang di totoo yung sinasabi nila na pag tinititigan ang isang bagay, natutunaw. Pano ta, kanina pa ako nakatitig dito sa palda kong nagkaroon ng ink habang nakababad. Gamit ko pa Tide, pero parang wala namang pinagbabago. Siguro, may isang oras na akong nakatayo dito at nakatitig sa palda. Habang paulit-ulit naman yung lines na yun ni Richard sa utak ko. "Ayst! Ano ba yang iniisip mo, Yassie? Ine-echos ka lang nung Richard na yun. Yung Christian na yun, mabait? Huh! Paano ko naman paniniwalaan yun? Mokong na yun! Urgh! Buti pa, ang imaginin mo na lang, si Jordan. Siguradong hindi ka maiinis." "Sinong Jordan?" Napalingon ako sa nagsalita. "Wwaahh! Aattee!" me, sabay yakap kay ate. Namiss ko ito huhuhu! "Ate, ano? Pinababalik na ba ako nina mommy?" "Yassie, hindi. Eto, ibibigay ko lang sayo to." May iniabot sya saking pera. "Ten thousand? Galing ba to kina mommy?" "Ah, hindi. Galing yan sa kita ko sa office. Nagpasahod si boss kanina. Naisip ko na bigyan ka, lalo pa't nabalitaan ko na pinaalis ka na naman sa bahay." "Ah, ganun ba, ate? Salamat ate ahh. Pero, baka mas kailangan mo yan, ate." "Ano ka ba? Mas kailangan mo yan, dagdag baon mo at sa mga gastusin mo dito sa bahay. Yassie, pasensya ka na. Hindi ko pa kasi nakukumbinsi si mommy na pabalikin ka, pero promise ko sayo, gagawin ko ang lahat para mapabalik ka, okay?" "Thanks ate. Pero, wag mo na lang madaliin. Ayokong makaabala sa trabaho mo. Okau lang naman ako dito. Kinakaya ko pa naman." "Talaga? Paano yung sa mga nambubully sayo? Sa susunod kasi sa akin ka na magsusumbong ha?" "Ate, okay lang ako. Wag mo na—" *kri-ring*kri-ring*kri-ring* "Teka lang, Yassie ah?" "Ok, ate. " Lumabas sya para sagutin yung tawag. Hay! Buti pa si ate nagagawa akong intindihin, at alalahanin. Wag na kaya akong umuwi ng bahay? Tutal parang wala namang pakialam sa akin sina mommy. Ayst! Buhay! Christian's POV "Kuya, bakit ayaw mong maglaro?" "Later na lang, Kate, okay?" "Hay! Sige na nga kuya!" At lumabas na sya ng kwarto ko. Ayst! Nakakapanghina naman!! Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Ano bang nangyayari sakin? Urgh! Nakulam ata ako! *kri-ring*kri-ring*kri-ring* *toot* "Hello, Joshua. Ano?" [Christian! Ano? Musta? May sinabi sa amin si Richard. Ano yun, ha?] "Tsk! May enervon ka ba dyan? Pahingi naman oh!" [Hindi enervon ang kailangan mo, Christian. Sabihin mo nga, Christian, gusto mo na ba si Yassie?] "Tsk! Syempre hindi! Ayst!" [Bakit nananamlay ka? Hindi ka naman ganyan kaninang umaga, tapos simula nung nangyari yun kaninang maga, naging ganyan ka na. Ano ba nangyayari sayo?] "Joshua, hindi ko rin alam. Basta, kahit gustong-gusto kong magpakasaya, hindi ko magawa.. Saka, si Jordan..." [Anong tungkol kay Jordan?] "Tsk! Kalimutan na nga natin, bro! Gutom lang ata ako." [Alam mo, hindi enervon ang kailangan mo. Tingin ko, kailangan mo lang si Yassie.] "Joshua, pwede ba, wag na nating pag-usapan yung babaeng yun? Ayst! Wala akong gusto sa kanya. Wala." [Sige, Christian. Tawag na ako ni dad. Bukas na lang ulit. Saka yung plano.] "Sige. Salamat." *toot* Ano ba? Dahil ba talaga kay Yassie, sa narinig ko kanina, sa nakita ko kanina? Nababaliw na ata ako!!! Christian, ito itatak mo sa isip mo, WALA KANG NARARAMDAMAN PARA KAY YASSIE! WAALLAAA! Yassie's POV *Skiptime: Kinabukasan.* "Sheena, may sasabihin." me "Ano?" Sheena "Sheena, may sakit ka ba? Parang antamlay mo ata." "Tsss. Nag-aalala lang naman ako sayo." "Yassie, sigurado ka ba talaga na si Jordan ang laman nyang puso mo?" John "Guys, paano kong sabihin kong oo? Magagalit ba kayo?" "Yassie, hindi naman sa ganun. Masaya nga kami na in love ka na, kasi bihira lang yan." Sheena "Yun naman pala ehh! Eto kasi, kahapon, nung pauwi na ako, nakita ko si Jordan. Tapos nung pauwi na ako, kiniss nya ako! Yiieehh!" "Ano? Kiniss ka nnyyaa!?" "Sheena, wag OA. Sa noo lang naman." "Aba! Kahit na sa noo lang yun noh! Dapat di mo yun hinahayaan na ganun-ganunin ka!" Sheena "Ah, ganun ba?" "Yassie, ayaw ko lang na mafall ka nang tuluyan sa kanya. Saka, di purkit gusto mo sya hahayaan mo na lang sya na gawin sayo ang kung ano-ano!" "Kiss lang naman yun ehh! Diba, parang mag kuya-bunso relationship." "Ewan ko sayo, Yassie. Basta ako, di ako nagkulang ng pangaral sayo." "Hay!" Sa kakekwentuhan namin, di ko alam na nakarating na pala kami ng room. Lagi talagang pagdating ko wala pa ang mga mulog. Hmm. Sadyang maagap lang talaga ako. Teka, bakit ba nakatingin sakin lahat? Ano na naman ba? Pagdating ko sa may armchair ko, may nakapatong na, ano to? Letter? Kinuha ko yung bond paper na nakatupi. May nakasulay sa loob. Nang basahin ko, 'Yassie, kita tayo mamayang lunch break sa library. May sasabihin ako.' -Jordan- "Yyiieeh!" "Yassie, lamporeber! Lolokohin ka lang nun!" Kyle, classmate ko. "Kayo, kailan pa kayo nagkaroon ng concern sakin? Saka concern nga ba yun, Kyle? Tsk! Wag nga kayong mangialam sa love life ko! Ambibitter nyo lang kasi!" sigaw ko. Tsss. Nakakainis lang kasi ehh! "Yassie, pabasa nga." Agad na kinuha ni Sheena yung letter na hawak ko. "Whhaatt? Yassie, wag kang pupunta. Yassie, wag kang pupunta, sinasabi ko sayo." Sheena "Sheena, payagan mo na ako, please!? Gusto mo, para sigurado ka na safe ako, samahan nyo na lang ako." "Ako? Sasama sa yo? Tsk! No way!" "So pupunta ako nang mag-isa?" "Yassie!" "Sheena, please. Chance ko na to para mas makilala ko si Jordan. At para malaman ko na rin kung bakit ganun sya, at para baguhin yung dating sya. Sige na, please, Sheena...*puppy eyes*" "Tsk! Bahala ka! Basta sasama kami ni John." "Yehey! Love you Bestie! Yiieehhh! Ano kaya sasabihin nya?" "Tsk!" Sheena Yiieehhh! Manliligaw na ata sya! Pero kung ganun man, syempre papayag ako! Pero di ko naman sya sasagutin agad. Kikilalanin ko muna. Kahit na crush na crush ko sya, alam ko pa rin naman kung ano ang tama. "Hey, guys! What's up?" Joshua Okay. Nandyan na sila. Hayst! Wag mong lilingunin, Yassie. May makikita kang mumo pag lumingon ka. Aawwwooo! "Hey, guys! Hahaha! Saya ahh!? Parang walang nangyari kahapon!" My "Kinakalimutan na namin yun. Besides, that was just a very big nonsense." Christian Tsss. Nonesense daw! "Ehem, Yassie, balita ko namumulaklak daw ang love life mo, kaso kay Jordan pa napatapat! Tsk! Saklap naman! Malas!" Richard Aba! Nakakainsulto ahh! Ako na naman ang napansin! Agad akong humarap sa kanila. "Hoy, Richard! Ano bang pakialam nyo sa love life ko? Ha? Panay ang pakikialam nyo! Saka, wag nyo ngang idamay si Jordan dito! Wala syang kinalaman dito!" "Tsss. Ang dami-dami naman kasing iba dyan bakit yung Jordan pa na yun." Richard "Sige nga, Richard! Sino ba ang iniisip mo? Huh!?" "Pwede namang si Chris—" "Kristyano ka kasi, Yassie!" Christian "Pfft! Hahahaha! Paano naman napasok ang religion sa usapan, Christian?" "Iglesia ni Cristo si Jordan at Kristyano ka. Diba Bawal yun?" Christian "Ano kamo? Iglesia ni—ano bang—tsk! Basta! Si Jordan ang gusto ko kaya wag kang ano! There's nothing you can do with it, so shut up! Saka, sino bang Chris? Chris-topher? Chris-pin?? Chris-ppy? Tsk! Pahirap ehh!" Sa amin naman si Christian lang ang nagsisimula ang pangalan sa Chris. At hindi sya yun noh! At never talaga! Ever! "Tsss."Christian *krrriingggggg* Hayst! Salamat naman! Time na! Matatahimik na din ang buhay ko! Yeehheyy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD