CHAPTER 17 ACTIVITY 1.0 Yassie's POV "Baliw ka na talaga. Tara na." "Makabaliw ka wagas. Tsk. S'yanga pala, di pa pala alam nina Joshua na takot ka sa mumo?" "Wag kang magkakamali na sabihin sa kanila iyon, kundi malilintikan ka sa'kin." "Bakit naman? Dapat malaman nila yun noh! Saka lahat naman ng tao may kinakatakutan eeehh, nakakatawa nga lang yung sa'yo," pigil-tawa kong sambit pero nang hindi ko na talaga mapigilan, humagalpak na ako sa kakatawa. "Sige, tawa. Bahala ka na d'yan," sabi niya saka tinalikuran na ako at naglakad. "Oy, masaan ka na!?" "Wala kampake." "Gaya-gaya ka talaga ng lines noh!" Ang letse hindi man lang ako pinansin. "Hoy, intay!" Mabilis na rin akong tumayo, kaso pagtayo ko napaupo ulit ako sa kama nang mahilo ako bigla. "Kaya mo na ba? Tawagin ko

