CHAPTER 12 BETRAYAL Christian's POV *tok* *tok* *tok* *tok Tsk. Boring dito sa room. Sana hindi magputol-putol ang sulat nitong ballpen ko kakatuktok dito sa armchair ko. "Ang tagal naman nila bumalik," naiinip na usal ni Joshua. "Sigurado pagbalik nun, papupuntahin na tayo nun sa principal's office," walang gana namang tugon ni Richard. "Hayst!" Ibinagsak ko ang ulo ko sa armchair ko. Nakakaantok! "Ahh, Joshua, nakita n'yo ba si Yassie?" Boses yan ni John. Bakit n'ya hinahanap si Yassie? Iniangat ko ang ulo ko at nilingon siya. Nakatayo si John sa may pinto at tila naghihintay ng isasagot ni Joshua. "Hindi John," sagot ni Joshua. "Christian? Ikaw? Nakita mo ba si Yassie?" "Hindi din John." "Ganun ba? Sige, salamat." Parang ang lungkot ng tono ng pananalita n'ya. Maki

