Tiningnan kong maigi si Archie habang umiinom siya. Nang magkasalubong ang aming mga mata, bigla niyang inilayo ang kanyang paningin sa aming kinaroroonan. Maya-maya lang ay tumayo siya at tinumbok ang pintuan ng restaurant. Alam ko, masama ang loob niya sa akin. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata. Mistulang nawalan ako ng gana sa aking pakikipagsayaw ky Jerome. Kung hindi lang sana ako magmukhang killjoy sa grupo, niyaya ko na siyang taousin na ang sayaw namin. Ngunit nasa kasagsagan ng saya si Jerome at ang lahat ng bisita namin kung kaya ay sinakyan ko na lang siya. “Ba’t ka malungkot?” ang tanong ni Jerome. Nahalata niya marahil ang pagseryoso ng aking mukha. “Okay lang ako, ano ka ba. N-naisip ko lang kasi kung ba’t natagalan ang aking inay,” ang pag-aalibi ko.

