KABANATA 26

2711 Words

THIRD PERSON POV Napabangon si Sandy mula sa pagkakahiga sa banig nang marinig na dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kwartong kanyang kinaroroonan. Bahagya siyang nakaramdam ng pagtataka dahil hindi pa naman oras para dalhan siya ng pagkain ng lalaking nakasuot ng itim na bonnet. Katulad nang madalas mangyari nitong mga nakalipas na linggo sa tuwing papasok ang lalaki sa loob ng kwartong iyon ay binabalot na naman ng kaba ang kanyang puso nang mga sandaling iyon. Niyakap niya ang sariling mga binti nang pumasok ang matangkad na lalaki at kaagad na itinutok sa kanya ang itim na delikadong metal. Halos magtatatlong linggo na mula nang dukutin siya ng lalaking iyon ngunit sa loob nang mga panahong iyon ay hindi niya kailanman nasilayan ang mukha ng lalaki. Tanging mga mata lamang nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD