"ENOUGH Zach. Panglimang bote mo na yan." Zacharias just chuckled on what Wax said to him. Muli niyang tinungga ang alak na nasa boteng hawak saka muling sinulyapan ang cellphone niya. Frustrated siyang napasuklay sa sariling buhok nang makitang wala pa rin siyang text o tawag na natanggap mula kay Clover. "Hayaan mo na si Mister loverboy natin. Babae ang problema niyan kaya ganyan." inakbayan pa siya ni Relic. Pagkatapos niya kasi sundan ang taxi na sinakyan ni Clover pauwi, dumiretso siya dito sa Dionysus, club na si Relic mismo ang may-ari. Sakto naman at nandito ang mga kaibigan niya para may kasama siya uminom. Hindi na siya nagtataka if she's acting strange. Sino ba namang babae ang gustong maging second option? Tinatago bilang karelasyon? Clover was so perfect. She's indepen

