Mavvie. Naalingpungatan ako sa ingay ng munting lagaslas ng tubig. Gusto kong imulat ang mata ngunit tila muli akong hinihila sa pagkakatulog. Ayos lang naman kung anong oras magising dahil weekend. Walang pasok sa school at makakapagpahinga. "Anong oras na ba?" Pikit mata at inaantok ko pang tanong sa sarili. "It's already ten-am in the morning sweetie," Boses ng kung sinong bumulong sa tainga ko. Hindi ko alam kung totoo ba iyon or panaginip lang. Kinakausap ko ang sarili dahil ako lang ang narito sa inuupahang bahay. Kaya imposibling may sasagot, tapos ka boses pa ng lalaki. Baka nga pagod lang ako kaya kung ano-ano ang mga naririnig ko. Nagpalit ako ng pwesto papunta sa kaliwang side at yumakap sa unan. Ang nakakapagtaka lang bakit matigas iyon. Pero mabango, malapad, at amo

