Mavvie. Matapos ang pag-uusap namin, hindi niya ako kinibo hanggang sa matapos na lang ang dinner na para bang hindi kami magkakilala. Kapagsinusubukan ko namang lapitan siya ay bigla na lang iiwas tulad ngayon, nandito ako sa kwarto pero nasa living room naman siya. Nakakainis na nga dahil pakiramdam ko kasalanan ko lahat kahit sinusubukan ko lang naman ayusin ang wala na sa katuwiran niyang ipinaglalaban. Bakit ba hindi niya isipin ng mabuti ang ibig kong sabihin!??? Malamin na lang akong bumuntong hininga. "Subukan ko kaya uling kausapin? Hindi rin naman ako sanay na ganito kaming dalawa." Aniko sa isipan at napagdisisyonang kausapin siya. Bumuntong hininga muli ako bago tumayo para puntahan siya pero nang bukas ko ang pinto....... "AYYYYYYY TAO KA!!!!" Biglang hiyaw ko nang ma

