Mavvie. Matapos ang pagtatalo namin dalawa, hindi ko siya inimikan. Dahil hanggang ngayon naiinis ako sa kan'ya. Hinatid niya ako pauwi pero hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi ko siya pinapansin. "We're here." Aniya pero para akong bingi na kunwaring hindi siya narinig. Tinanggal ko ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto ng kotse, nang pigilan niya ako. Humawak siya sa braso ko kaya napalingon ako sa kan'ya pero nakataas ang kilay. He sighed. "I'll give you a time to prepare Mavvie. Babalik ako para sunduin ka before dinner." Babala niya para matandaan kong babalik siya mamaya. "May magagawa pa ba ako kung ikaw lang din naman ang masunod?" Sarkastikong sagot ko saka hinila ang braso para maalis ang kamay niya. "Good!.. See you later sweetie." Hindi ko

