Mavvie. Tahimik akong nagmamasid sa labas ng bintana habang binabaybay namin kalsada. Walang katiyakan kung saan pupunta o saan man niya ako dadalhin, ngunit binaubaya ko na lang kay Stellan kung saan ang sadya namin. Nakasakay na ako sa sasakyan kasama siya. Kaya hindi ako makaanagal pa. May pagkabalisa akong nararamdaman at hindi kumpurtable sa sitwasyon ngayon, lalopa't hawak niya ang kaliwang kamay ko kanina pa. Tsa'ka hanggang ngayon gulat na gulat parin ako sa sinabi niya. "Kung ganon gusto ko maranasan ang sinasabi mo at ma-in-love.... Pero, sayo ko gusto maranasan ang ma-in love Mavvie." Nagpaulit-ulit pa ang katagang iyan sa isipan ko. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sinasabi niya o baka tulad lang din s'ya ng ex boyfriend kong paasa..And I don't know what to do about

