Dagsa ang fan girls nang dumating kami sa studio 12, hindi mahulugan karayom ang dami ng babae sa labas ng building. May mga hawak silang tarpaulin at doon ay naka print ang mukha ng isang lalaki na parang nakita ko na sa kung saan pero hindi ito pamilyar.
“Shocks, mukhang nandito si Steven, Bes!” excited na pinarada ni Zemy ang van namin.
May mga fans na sumalubong sa’kin pero hindi kasing dami ng mga taong naghihintay para sa pangalan na binanngit ni Zemy, sino nga ulit ‘yon? Steven? I don’t think that we already met, but I have this strange feeling that I saw him before.
In-entertain ko sandali ang mga fans ko bago kami dumeretso sa loob ng studio ni Zemy. Pansamantala niya akong iniwan sa dressing room para balikan sa sasakyan ang dress na isusuot ko para sa tv guesting. Habang ni re-retouch ng makeup artist ang mukha ko ay may pumasok sa kuwarto.
“Erill, you’re here! I’ve been waiting for you.” He’s a gay friend of Mom, if I remember it right his name is Santino. Ang pagkaka alam ko ay nag m-manage rin siya ng mga artist.
“I wanted to meet you kaso sobrang busy mo nowadays, kaya nang malaman kong may guesting ka dito, tinanggap ko rin yung in-offer na guesting sa alaga ko.” Nilapitan niya ako at hinalikan sa magkabila kong pisngi.
“It’s nice seeing you here, Tita.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Naalala ko ganito rin ang ngiti niya noong unang beses ko siyang tinawag na Tita. Malapit siya na kaibigan ni Mom pero dahil pareho silang abala ay ilang beses ko pa lang din siya nakita.
“I can’t get hold of your Mom, hindi sumasagot ng tawag, hindi rin ako makadaan sa bahay niyo’t madami rin kasi akong inaasikaso.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.
“Anyway, I want you to meet my new artist. I bet you’re already familiar with him. Although he just debuted a month ago, he’s the most searched name and hottest topic since then.” Sabay kaming napalingon sa bumukas na pintuan.
Pumasok sa dressing room ko ang isang matangkad na lalaki, he’s wearing a zip front faux leather jacket underneath is a cotton broadcloth long-sleeve shirt, fit chinos and a montgomery zip chelsea boots. He looks fine. Nang madako ang tingin ko sa mukha niya ay doon ko lang napagtanto na siya ‘yong lalaking naka print sa tarpaulin na hawak ng mga fan girls sa labas ng building.
“Erill, meet Steven. You will be working with each other soon.” Nag extend ito ng kamay, tumayo ako bago tanggapin iyon.
“Hindi nabanggit ni Santi na mas maganda ka pala sa personal. It’s nice to finally meet you, Erill. ” Yumuko siya at dinampian ng halik ang likuran ng palad ko. Mabuti at may pumasok ulit sa kuwarto kaya kaagad kong nabawi ang kamay ko nang hindi niya napapansin.
“Honey – Oh, Santi, you’re here!” Nag beso si Mom at si Santino na parang napakatagal na panahong hindi nagkita.
“Charmaine, my friend! I’m happy to see you here! Gaga ka, you’re not answering any of my calls!” Natawa si Mom sa sinabi nito.
“I can’t even read any of my text messages, sumagot pa kaya ng tawag? I told you to email me.” Natawa na lang din si Santino sa naging sagot ni Mom. Totoo naman kasi na hindi halos nahahawakan ni Mom ang phone niya, kahit ako ay bihira niya i-text o tawagan. Pero regular siyang nag che-check ng kan’yang mga emails, mas madalas kasi siya nakaharap sa laptop niya.
“Alam mo naman na tamad akong mag email. But anyway, you’re familiar with Steven?” Nag liwanag ang mukha ni Mom nang lumapit si Steven para i-beso rin siya.
“Sinong hindi makakakilala sa’yo, iho? Your debut was a success, very talented at napaka guwapo!” Bumalik na ko sa pagkakaupo para maipagpatuloy ng makeup artist ang ginagawa niyang pag re-retouch sa’kin.
“Marami nga rin po ang nakapag sabi niyan, I’m still trying to get use to it.” Hindi ko napigilan ang tawa ko sa naging sagot nito. Mukhang hindi yata siya naturuan maging humble. Isa pa naman iyan sa susi para tumagal ka sa ganitong industriya.
Napansin ko ang tingin niya sa repleksyon ng salamin, mukhang na-gets niya naman kung bakit ako natawa. Lumabas pansamantala si Mom kasama si Santino at naiwan siya sa dressing room ko.
“May nakakatawa ba sa sinabi ko kanina?” lumapit siya’t tumayo sa likuran ko.
“Hindi ako tatawa kung wala.” pabalang na sagot ko. That’s what you get when you kissed my hand without my permission. Akala niya yata ay iisipin ko na gentleman siya dahil sa gesture na iyon.
“You’re being sarcastic, ganiyan ba talaga pag sikat?” Nagtaas ako ng kilay habang matamang nakatitig sa kaniya mula sa salamin na nasa harap namin.
“Basta ang pagkakaalala ko hindi ako ganiyan kayabang noong nagsisimula pa lang ako sa trabahong ‘to. You’re so full of yourself, wala ka pa naman nararating.” Napansin kong naikuyom niya ang kan’yang mga kamao. Akmang magsasalita pa siya nang bumukas ang pinto at iniluwan no’n si Zemy.
“Bes, hindi ako makapili kaya dinala –” Tila siya na estatwa sa kinatatayuan niya nang makita si Steven.
“Oh my God, you’re here! Steven, I’m your fan, can I ask for an autograph, or maybe a picture?” Dali-daling inilapag ni Zemy ang dalawang dress na hawak niya. Nakangisi akong sinulyapan ni Steven sa salamin na para bang gustong ipamukha sa’kin na mali ang sinabi ko sa kan’ya.
“You look familiar.” sabi ni Steven kay Zemy na mas lalong ikina-kilig nito.
“Common lang talaga ang mukha ko pero heto ang unang pagkakataon ko na makita ka in person. Mas guwapo ka sa malapitan.” Napa iling na lamang ako sa sinabi nito.
Tumayo ako at kinuha ang dress na isusuot ko, dumeretso ako sa fitting room habang abala si Zemy kay Steven. Minsan din napapaisip na ko kung kaibigan ko ba talaga siya, mas nag f-fan girl pa siya sa ibang artist kaysa sa’kin na bestfriend niya.
Sinukat ko ang parehong damit na dala ni Zemy pero mas nagustuhan ko ‘yong off-shoulder grey burberry dress. Simple yet sophisticated. Lumabas ako ng fitting room pero hindi ko nadatnan doon si Zemy, nagkataon na kakapasok lang din ng kuwarto ni Mom at Santino.
“You look stunning, Erill.” komento ni Santino.
Nadako ang tingin ko sa nakaupong si Steven, nakaharap siya sa salamin pero kitang-kita ko na nakatingin siya sa’kin mula sa repleksyon no’n. I gave him a smirk when our eyes met. Kaagad siyang nagbawi ng tingin.
Nang matapos ang guesting ko ay hindi na ko bumalik sa dressing room, ayokong makita pa ulit ang mukha ng hambog na si Steven. Nagpaalam din agad sa’kin si Mom, hinintay niya lang na matapos ang show, may i-m-meet pa raw siyang producer para sa susunod kong proyekto.
Nasa loob na kami ng van ni Zemy at kinuwento ko sa kan’ya ang nangyari sa dressing room kanina pero mukhang hindi siya apektado at ipinagtatanggol niya pa sa’kin si Steven.
“Paninirang puri yan, Bes. Pwede kang makasuhan diyan.” Wala na kong sapat na lakas para makipagtalo kaya tinawanan ko na lang ang sinabi niya.
“Pagod na ang katawan ko pero ayoko pang umuwi. Let’s go somewhere else.” Masuwerte ako at huling tv guesting na ‘yong pinuntahan ko kanina. Ngunit masiyado pang maaga para umuwi at matulog, sigurado na hindi rin ako dadalawin ng antok lalo pa’t mas hirap akong makatulog ‘pag pagod. Weird, pero ganoon siguro talaga kapag immune na ang katawan mo.
“Try natin doon sa bagong bukas na rooftop bar sa Makati, balita ko halos mga artista raw ang nagpupunta ro’n.” halata ang excitement sa boses niya.
“Anywhere, Zems. As long as hindi sa bahay.”
Ginawa kong abala ang sarili habang nasa byahe. Dumaan sa newsfeed ng f*******: account ko ang video ni Steven na nag p-perform, si Zemy ang nag nag share no’n. I put my headset on, para lang masagot ang curiosity ko kung bakit nag f-fan girl sa kaniya ang bestfriend ko.
I get it, he’s a good dancer and he has an amazing voice, hindi ko ikakaila ‘yon matapos kong panoorin ang performance niya. But still, a good attitude is a must. Mataas na masyado ang tingin niya sa kan’yang sarili samantala naguumpisa palang ang career niya. Ako talaga ang unang taong tatawa ‘pag nauntog sa katotohanan lahat ng fans niya.
Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating din kami sa Anecdote Bar. Nag retouch pa kami ng makeup ni Zemy bago bumaba ng van. Tila naging car show ang parking lot sa dami ng magagandang sasakyan na mahihinuha mong pagaari ng mga artista o personalidad na nakakaangat sa buhay. Nakaka bingi ang lakas ng sounds sa labas, hindi na kami magkarinigan ni Zemy. Pagpasok namin sa entrance ay mag nag assist kaagad sa amin at sinamahan kami hanggang sa elevator.
Napakagandang view ang kaagad na bumungad sa’min sa rooftop. Iginiya kami ng waiter papasok sa loob ng bar, tumambad ang wall na mala-aquarium pero hindi isda ang lumalangoy doon kundi mga jellyfish. Sobrang sarap nito pagmasdan. Maliban sa rooftop view ay isa heto marahil sa main attraction nila rito.
Napakalaki nang loob ng bar kaya kahit madaming tao ay hindi ito mukhang siksikan. May mga nakakilala sa’kin kaya kinailangan kong huminto para batiin sila, tama nga ang sinabi ni Zemy, halos mga artista ang customers nila rito.
Iniwan ako sandali ni Zemy sa table namin, ang paalam niya ay mag pupunta raw siya sa restroom pero malakas ang kutob ko na may nilapitan lang siyang artista para mag pa-picture. Bumalik ang waiter sa table dala ang mga pagkain at cocktails na in-order namin.
Susubukan ko sanang tawagan si Zemy pero pag check ko sa purse ko ay wala roon ang phone ko, saka ko lang naalala na naiwan ko pala iyon sa loob ng van. Dinampot ko ang baso ng strawberry margarita at naglakad palabas ng bar para muling makita ang view sa rooftop.
I was enjoying the view when I realize that my glass has empty. I asked the waiter for another glass of strawberry margarita. Hanggang sa hindi ko na nabilang kung naka ilang balik na ba ito sa puwesto ko. Tumigil lamang ako sa iniinom ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.
“Shoot, nasaan na ba kasi si Zems.” bulong ko sa kawalan.
Naglakad ako pabalik sa loob ng bar pero umiikot na talaga ang paningin ko. Nilalagpasan ko na lahat ng madaanan ko kahit pa ‘yong iba sa kanila ay sinubukan akong kausapin. Pilit na hinahagilap ng mata ko si Zemy pero hindi ko talaga siya makita. Bumalik ako sa table namin pero hindi ko pa rin siya nadatnan doon.
Pupunta sana ako sa restroom magbabakasakali na naroon siya pero hindi pa man ako nakakalayo sa lamesa namin nang ma out of balance ako, parang bigla na lang bumigay ang mga tuhod ko at kusang nawalan ng lakas tumayo. Bago pa ako bumagsak sa sahig ay may mga braso na ‘kong naramdaman na sumalo sa’king katawan.
Pumikit ako at muli pa sana ‘kong didilat umaasa na na maiibsan ang panlalabo ng mga mata ko para makita ko ang mukha ng taong sumalo sa’kin, ngunit hindi ko na nagawa pa ulit na dumilat. Nadinig ko pa na sinubukan niya kong kausapin subalit wala na rin akong naintindihan sa mga sinabi nito.
Nasapo ko ang aking ulo sa sobrang sakit no’n, kumikirot ito at parang binibiyak. Hindi ako halos maka dilat, wala pa kong sapat na lakas para bumangon. Hinanap ng kamay ko ang phone ko para sana i-check ang oras, hindi ko iyon nakapa sa side table na katabi ng kama. Pilit kong binuksan ang mga mata ko para tignan ang alarm clock na nakapatong doon pero laking gulat ko nang ma-realize ko na hindi ko kama at mas lalong hindi ko kuwarto ang kinaroroonan ko ngayon.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, kaagad nagtama ang mata namin ng isang pamilyar na lalaki. Naka-dekuwatro ito sa dulong bahagi ng kama.
“N-Nasaan ako?! Anong ginagawa ko rito?!” Sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng makapal na comforter, iba na ang suot kong damit.
“Sa susunod, wag kang iinom kung bibigyan mo lang ng sakit sa ulo ang mga tao sa paligid mo. Wala ka pang dalang phone, how do you expect me to bring you home?” Mabilis na nag flashback sa alaala ko lahat ng nangyari kagabi. Parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at kainin ako no’n. Nakakahiya!
“Where’s my dress? A-Alam ba ni Mom na nandito ako?” Tumayo ito sa pagkakaupo bago sinagot ang mga tanong ko.
“Don’t worry, you’re not my type, maid namin ang nagbihis sa’yo. I called Santi to tell your Mom of what happened. Bangon na, get change, eat then go home.” Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Of all people, bakit si Steven pa? Ugh! Kasalanan ‘tong lahat ni Zemy.
“Can you give me 30 more minutes, sobrang sakit pa talaga ng ulo ko.” Akmang babalik ako sa paghiga nang hawakan ni Steven ang kanang braso ko.
“I cancelled my appointment today para lang i b-baby sit ka. Kung may natitira ka pang hiya babangon ka na riyan. Na i-ready na ng maid sa bathroom ang isusuot mo, naka handa na rin sa baba ang pagkain.” malamig ang tono ng pananalita nito. Pilit ko ulit dinilat ang mga mata ko, saka ko lang nakita kung gaano siya kalapit sa’kin ngayon.
“Naubos na lahat ng hiya ko 5 minutes ago.” Binagsak kong muli ang katawan ko sa kama, hindi niya pa rin binitawan ang braso ko kaya maging siya ay nadala sa paghiga ko. Kaagad akong nagmulat ng mata nang maramdaman ko ang pagbagsak niya sa ibabaw ko.
“f**k, Erill, look what you’ve done.” Biglang nabuhay ang dugo ko nang makita kung gaano ka awkward ang posisyon namin. Halos isang dangkal na lang din ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.
“f**k, w-what? Sira ulo!” Ginamit ko ang buong lakas ko para itulak siya, napaupo ito sa sahig habang dali-dali kong tinakbo ang bathroom sa loob ng kuwarto. Pabagsak kong sinara ang pinto, sapo ko ang dibdib ko at ramdam ko rin kung gaano kabilis ang t***k no’n.
“That freak! Kung hindi niya lang ako tinulungan baka idinemanda ko na siya ng s****l harrasment!” Kinakabahan akong humarap sa salamin, hindi nga ako nagkamali, see through ang night dress na suot ko.
Pagkatapos kong maligo at makapag bihis ay hindi ko na inabutan sa kuwarto si Steven. Ibinilin niya na lamang ako sa maid niya. Sakto lang din ang dating ni Zemy, tapos na ko kumain ng dumating ito para sunduin ako. Masakit pa rin ang ulo ko pero ang laki ng ginaan ng pakiramdam ko matapos kong inumin ang tea na sinerve sa’kin ng maid ni Steven.
“Sorry talaga, Bes. Nawili ako sa pakikipag kwentuhan kay Lara, remember ‘yong makeup artist ng leading man mo sa Before Me? Nagkita kasi kami sa cr, hindi ko alam na hindi mo dala ang phone mo, ang dami kong missed calls sa’yo.” Paliwanag ni Zemy. Inabot niya sa’kin ang phone ko saka pinagpatuloy ang pagmamaneho.
“Sa totoo lang kanina, sinisisi kita. Pero hindi naman mangyayari lahat ng ‘to kung hindi ako naparami ng inom. I’m sorry, Zems. Hindi ka naman ba sinermunan ni Mom?” Sinimulan kong i-scan ang phone logs ko kasunod ay ang mga messages.
“Ewan ko ba kay Tita, parang masaya pa siya sa nangyari. Kagabi pa dapat kita pupuntahan pero pinigilan niya ko, hayaan daw kita na roon na magpapalipas ng magdamag.” Hindi ako nakapag react sa sinabi ni Zemy, binuksan ko ang messages ni Brylle.
From Partner in Crime:
I can’t make it tom morning.
Hey, ok lang ba around 3pm?
Since we need to spend 24 hours together, u can go home at 3 in the morning.
U there?
Hey, I only need your yes & no.
U busy?
I’m not available on Sunday, we need to work on this tom.
Silence means yes. I’ll see u at 3pm, Crystal Residences, wait me in the lobby.
Kaagad kong tinignan ang oras sa phone ko. Mag a-ala una na. Minasahe ko ang sentido ko saka ko nagsimulang mag type ng reply.
To Partner in Crime:
Slr, I was busy yesterday. See u later
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ko muling binalingan ng tingin si Zemy.
“Zems, nabanggit ba ni Mom kung may schedule ako today?” Tinapunan niya ko ng tingin mula sa rear view mirror ng sasakyan.
“Pina cancelled lahat ni Tita, bukas fully booked ka. Don’t tell me na gagala ka na naman?” ani ni Zemy.
“About doon sa class activity natin, magkikita kami mamaya ni Brylle. Tapos niyo na ba gawin ‘yung sa inyo?” Binalik ni Zemy ang tingin niya sa daan.
“Sa Sunday pa namin uumpisahan, nakapagpaalam na ko kay Tita na hindi ako makakasama sa mga lakad mo bukas. Ang hassle nga e, mas madali sana kung tayo ang magka-partner.” Nag kibit balikat na lang ako.
“Drop me off in Crystal Residences, doon mo na rin ako ayusan. ‘Wag mo ‘kong kalimutan sunduin ng 3am ha, at ikaw na rin ang bahalang magsabi kay Mom.” Nag thumbs up lang siya bilang pagsangayon saka ito lumiko sa kasunod na kalye.
Nakaparada ang sasakyan namin sa parking lot ng Crystal Residences, tapos na rin ako ayusan ni Zemy, nagpalit din ako ng mas kumportableng damit dahil maiksi masyado ‘yong dress na pinasuot sa’kin ng maid ni Steven. Napagpasyahan namin ng bestfriend ko na mag coffee muna dahil may nalalabi pang 30 minutes mula sa oras na usapan namin ni Brylle. Pumasok kami sa coffee shop na nasa ground floor ng naturang condominium, tanaw din mula roon ang lobby.
“Who would expect na dito pala nakatira ang nerdy na ‘yon? Hindi lang pala halata na mayaman siya.” Ginala ni Zemy ang tingin niya habang ngumunguya ng chocolate cake.
“Mabuti na rin at nag offfer siya na rito kami mag meet, hindi naman kasi puwede sa bahay.” Sinimsim ko ang baso ng americano.
“May bahay ka naman sa Tagaytay, mayroon din sa Pampanga, puwede rin naman kayo roon.” aniya.
“Masyadong malayo, tama na ‘yong dito lang sa Manila.” saad ko.
“Maiba ako, Bes, kanina pa ko kating-kati na itanong ito sa’yo.” Sumubo siya ulit ng kapirasong cake. “Sa kama ka ba ni Steven natulog? Gaano kalaki ang kuwarto niya? Hindi naman kayo magkatabi diba?” dugtong niya.
“Hindi ko alam kung kaninong room ‘yon, basta masama ang gising ko, mukha niya ba naman kaagad ang nakita ko sa pagdilat ko.” Pinilig ko ang aking ulo nang bumalik sa alaala ko ang tagpo sa kuwarto kanina.
“Sobrang suwerte mo, Bes. Kung ako siguro ang nasa posisyon mo, baka hinimatay ako. Hindi pala baka, hihimatayin talaga ‘ko.” Hindi na ko nag abala na isalaysay pa kay Zemy ang nangyari sa silid ni Steven at ayokong mas lalo pang lumala ang pagpapantasya niya ro’n sa tao.
“Wait, sure ka na okay ka lang magisa kasama si Brylle?” Inilapag niya ang tinidor na hawak at matama akong tinignan.
“Siguro, mukha naman siyang harmless.” At isang maling galaw niya lang, makakatikim talaga siya sa’kin. Hindi ako nagaral ng mixed martial arts para lamang sa wala.
“Excuse me, Cherill?” magkasabay kaming nagtaas ng tingin ni Zemy. Nakita namin si Brylle na nakatayo habang may hawak na baso ng kape.
“Kanina ka pa dumating? Nag message ka sana para nakababa ako.” Tumayo na kami sa pagkakaupo.
“Okay lang, maaga pa naman, at kasama ko rin si Zems.” Napansin kong nabigla siya ng maibaling niya kay Zemy ang kan’yang tingin.
“Hindi pa pala ko formally na nakapagpakilala, we’re on the same section, seatmate at kaibigan ako ni Cherill.” Nag abot ng kamay si Zemy pero hindi iyon tinanggap ni Brylle.
“Sorry, my hands are full.” Ipinakita niya pa ang kanang kamay na may hawak na kape habang sa kaliwa naman ay may hawak siyang phone. Nag kibit balikat na lamang si Zemy saka ito nagpaalam sa’kin bago umalis.
Walang umiimik sa amin ni Brylle habang nasa elevator paakyat sa unit niya, tila may malalim siyang iniisip. Hindi ako interesado kaya ‘di na ako nagtanong.
“May trabaho ba si Zemy? Maybe part-time job?” Tanong niya habang nag p-press ng passcode sa door lock ng kaniyang unit.
“She’s a makeup artist and a personal assistant.” Deretsahang sagot ko. Marahil ay nakita niya si Zemy sa kung saan, iyon siguro ang kanina niya pa iniisip.
“She’s working with Erill, right? Nakita ko siya somewhere, magkasama sila.” Napalunok ako sa sinabi niya.
“Yes but it’s confidential, ayaw niyang may ibang makaalam.” Iginiya ako nito papasok sa loob.
“Does it mean that you’re also related to Erill?” Dumiretso siya sa refrigerator para kumuha ng maiinom.
“Not really, naku-kuwento lang siya sa’kin ni Zemy pero hindi ko pa siya na-meet.” Pagsisinungaling ko. Bakit ba kasi bigla siyang naging interesado sa bestfriend ko?
“May nakapagsabi na ba sa’yo na magkahawig kayo?” Bumilis ang t***k ng puso ko dala ng kaba pero hindi ko iyon pinahalata.
“Ni Zemy? Malayo, she’s a lot prettier.” Inabot niya sa’kin ang isang baso ng tubig.
“No, si Erill. May resemblance kayong dalawa kaya ang akala ko somehow ay related kayo sa isa’t isa.” natigilan ako sa tinuran niya. Matama siyang nakatingin sa’kin habang naghihintay ng sagot ko. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya pero alam ko na may kahulugan ang mga tingin niyang ‘yon.