FOUR

1912 Words
“O, humawak ka lang sa kamay ni Tita Fey mo habang naglalakad kayo. At tingnan maigi kung may mga palalapit na sasakyan ha?” inayos niya ang kuwelyo ng anak. Maaga siyang nagising-- hindi talaga siya nakatulog-- para asikasuhin ang uniporme ng anak at agahan nilang apat. Pati na din uniporme ni Faith, siya na ang nagplantsa. “Opo, Mamay.” “And remember, the road--” “-- is dangerous. Alam ko na yan, May,” iritado na ang kanyang anak. Ambilis talaga uminit ng ulo nito. Natawa na lang siya. “Osige na, kiss mo na ko, tas punta ka na kay Tita Fey mo sa salas,” hinalikan siya ng anak. Hinatid niya ito sa salas kung saan naghihintay si Faith. Sabay papasok ang mga ito. At sabay naman sila ni Nanay Meling. Hinatid niya ang dalawa hanggang sa nangangalawang nilang gate at hinintay ang mga itong mawala sa paningin niya. Nang lumiko na ito sa unang kanto ay bumalik na siya sa loob ng bahay para naman gisingin si Nanay Meling. *** Pagkatapos niyang isuot ang uniporme ay lumabas na siya sa locker room nila at dumiretso sa 14th floor dala ang mga cleaning materials niya. Normal pa din ang hitsura ng palapag na iyon. Busy ang mga employees doon sa pagdutdot sa kani-kanilang mga computer. Sobrang tahimik ng palapag na iyon at tanging pagtitipa lang ang maririnig. Pakiramdam niya, pati paghinga niya ay naririnig niya. Kaya nagpokus na lang siya sa pagma-mop. “Where the f*ck are you yesterday, Palmez?” napatigil lahat sa pagtitipa nang marinig ang madiin na boses na iyon. At lahat nakatingin na sa kanya. Maging sya ay napatigil sa kanyang ginagawa. She knows the voice. Kilalang- kilala. At natatakot syang lumingon dahil alam niyang nasa likod niya ito. Nanginginig ang kalamnan nya at napahigpit ang hawak niya sa mop. “I am talking to you, Annina.” Mas naging madiin bawat salita nito at alam nyang galit na ito. Unti unti siyang lumingon. He is pinching the bridge of his nose, eyes closed. Iritadong iritado ito. Kaya naman napayuko siya. “Galit si Sir.” “Bakit kinakausap ni Sir Gio yang janitress na yan?” “Sir,” nasambit na lang niya. Ito pala ang bagong mamamahala sa kanila na ikinekwento ni Nanay Meling. She’s dead. Like literally dead. She feels numb. Nagmulat ito ng mata at matalim na tumitig sa kaniya. Nang bigla na lamang nitong hinigit ang braso nya dahilan para mabitawan niya ang mop at maiwang tigalgal bawat empleyado ng Accounting Department. They just witnessed a show. *** Hinatak siya ni Giovanni sa elevator at pinindot ang Underground Floor. At saan naman kaya siya balak dalhin nito? Nakayuko lamang siya. Ni hindi niya gustong makita ang pagmumukha nito. Pero wala siyang magawa. Heto siya, pagkalipas ng anim na taon ay basahan pa din ni Giovanni. “I swear. That if the heavens allow us to see each other again, hindi na ako ang Annina na binabasa-basahan mo lang.” Biglang sumingit sa ala-ala niya ang mga katagang iyon. Kinain lang niya ang mga sinabi niya noon. Dahil hanggang ngayon, wala pa din siyang ipagmamalaki dito. She feel frustrated. Unti unti niyang hinatak ang braso niyang hawak pa din ng lalaki. Ngunit mas lalong humigpit ang hawak nito, na para bang mapuputol na ang mga braso niya. “One move and I’ll break your arm. Try me, Annina,” galit na sabi nito. Tumigil naman siya sa paghatak sa kanyang braso at napabuntong hininga na lamang. Kilala niya si Giovanni. Pag sinabi nito, ginagawa nito. He is very good in controlling people and throwing out those who does not have any benefit to him. Throwing out by all means. Gaya na lamang ng ginawa nito sa kanya noon. “You are nothing but a f*cking poor orphan. You don’t have anything. You’re not even valuable. If I kill you now, no one will ever claim your dead body,” nakaramdam siya ng galit nang maalala ang masasakit na salitang sinabi nito, pati na din bawat pasa at latay na natanggap ng puso niya dito. Galit siya. At sa sobrang galit, parang sasabog ang luha sa mga mata niya. But she can't afford to cry. Not anymore. Not in front of this man. She knows that he still sees her as a trash, and if she cry right now, she’ll be a lot worthless than a trash. *** Pasalampak siyang ipinasok ni Giovanni sa front seat ng kotse at mabilis na umikot sa driver’s seat. She rolled her eyes. Nagsisimula na naman ang lalaking ito sa hobby na pangongontrol ng tao. Six long years have passed, pero wala pa din itong pagbabago. Nanahimik na lang siya at nagpangalumbaba sa bintana ng sasakyan. At kasabay ng pagbuhay nito sa makina ay ang pagdaloy din ng kanyang alala… Marahang binuksan ni Annina ang pinto ng banyo. May isang oras na din siyang nagtatago doon at napahupa na din niya ang kamay niya dahil sa pagsuntok sa walanghiyang lalaki kanina. Tingin naman nya ay ligtas na sya. Kailangan lang niyang makalabas sa resto-bar na iyon nang hindi nahahalata ng Boss Creig nya. “What took you so long, Anni?” halos mapatalon siya sa gulat nang makita ang boss niyang nakasandig sa pader malapit sa banyo. Napayuko siya. Hiyang hiya siya dito. Kabago-bago lang niya at heto, gumawa agad siya ng kalat sa trabaho nya. Worse, sinuntok niya ang kaibigan pa ng boss niya. “Ah e, kasi boss,” napakamot siya ng ulo. Hindi niya malaman ang sasabihin dito. “Don’t tell me you hide in there because of Gio?” tila natatawang sabi nito. Gio? Ito siguro ang pangalan ng bwisit na lalaking iyon. Napatango-tango na lang siya. “Crazy. Don’t be afraid of Gio. Ganun lang talaga iyon. He has this some sort of anger management issue even when he still a kid. Kaya asahan mo nang parang laging nagmemenopause yun,” nakangiti lang ang boss nya. Hindi ba ito magagalit sa kaniya? “Pasensya ka na, boss,” nasabi na lang niya at napabuntong hininga. “What? What are you sorry for? Sobrang galing nga ng ginawa mo kanina. Wala pang nakakagawa ng ganun kay Gio. So, be proud!” masayang masayang sabi nito. Tila nababaliw na din ata ang Boss nya. “Parang may live action kanina. ‘Bang, bogsh’," sumuntok suntok pa sa hangin ang walanghiya din niyang boss na tila naentertain pa sa nangyari. “Sa susunod ha, damihan mo ng suntok para mas exciting!” ay talaga palang wala sa katinuan ito. Natawa tawa na lang din siya. Pasalamat siya at mabait ang boss niya kahit baliw. *** Kasalukuyan nyang isinusuksok ang susi sa doorknob nang tumunog ang cellphone niya. Laking pasasalamat nya sa cellphone na iyon na di-pindot na regalo pa sa kanya ni Nanay Meling noong 18th birthday niya. D aq uuwi now friend, nid mag-aus thesis. Si Faith pala iyon. Parehas na silang nasa second year ng kolehiyo. Education ang kinuha nitong kurso at palagi itong busy. Si Nanay Meling naman ay nagpaalam sa kaniya na uuwi daw ng probinsiya at hindi uuwi ng dalawa hanggang tatlong araw. Nagtataka nga siya, dahil parang aligaga si Nanay Meling nitong mga nakaraang araw, at halos ngayon lang din niya nalaman na may mga kamag anak pala ito sa probinsiya, gayong wala itong nababanggit sa kanila mula pa noong kinupkop sila nito noong highschool pa sila ni Faith. Osge friend. Ingat k jan. Mgtxt txt n lng tyo. Pagkareply na pagkareply nya ay binuksan na nya ang pinto ng bahay at akmang papasok. Pagod na din talaga siya dahil pagkatapos na pagkatapos ng klase kanina ay dumiretso ba sila ni Mariel sa resto-bar. “So this is your hide out, bitch.” Halos maibagsak niya ang cellphone at susi sa pagkagulat. Napalingon siya bigla at hindi sya nagkakamali. Ito nga ang lalaking nagngangalang Gio na sinuntok niya kanina. Bored nitong sinisipat sipat ang bahay nila. Nang walang anu-ano’y pumasok ito sa bahay nila at feeling at home na naupo sa sofa. Inunahan pa siya ng walanghiya! “Hoy, ang kapal ng mukha mo! Sinong may sabing pumasok ka dito?” sigaw niya. “Shut up,” at hinubad pa ng walanghiya ang sapatos nito. “Umalis ka na nga. At bat mo ba ko sinundan?” natigilan siya. Hindi kaya gagantihan siya nito dahil sa ginawa nya kanina? Kitang kita pa din kasi niya ang maliit na sugat sa gilid ng labi nito na dulot ng buong lakas niyang pagsuntok dito. Nahintakutan siya sa naisip. Anong balak gawin nito? Suntukin din sya? O.. rape-in? Napasiksik siya sa sulok ng maliit na bahay na iyon. Bigla naman itong tumingin sa kanya. “What the f*ck are you doing?” nakakunot ang noo na tanong nito nang makita siyang nakasiksik sa sulok. “Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?!” bulyaw niya na hindi pa din umaalis sa pwesto niya. Ngumisi naman si Giovanni kay mas kinabahan siya. Tumayo ito mula sa sofa at unti-unting lumapit sa kanya. Mas lalo siyang napasiksik sa sulok. Gusto niyang umalis doon, pero nanginginig ang mga tuhod niya. “Afraid, huh?” mas lalong lumawak ang ngisi nito nang makalapit sa kanya at ikinulong siya sa pagitan ng mga braso nito at sa sulok ng bahay. Hindi siya makapagsalita. Ni hindi siya makatingin dito. Tila naglaho na parang bula lahat ng tapang niya kanina sa Resto-bar. “U-umalis ka nga d-dyan,” bahagya niya itong tinulak. Pero hindi ito natinag. Mas lalo pa nitong nilapit ang mukha nito sa mukha niya. Kaya naman napatungo siya lalo. “Why are you trembling, huh? I’m just here to make you f*cking pay for what you did,” naramdaman niya ang paghawak nito sa pisngi niya at iniangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko. Hazel brown eyes. Napatitig siya sa mata nito na parang binabasa na naman ang buong pagkatao niya. Gaya na lang kanina sa resto-bar. “A-anong ibig mong sabi…” bigla na lamang siya nitong hinalikan! Madiin at nanunudyo ang halik nito. Parang gusto siyang parusahan. Napahawak siya sa necktie ng pormal na polo nito dahil pakiramdam niya ay mawawalan siya ng balanse. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya. Naramdaman na lang siyang dumausdos ang ang kamay nito pahapit sa bewang niya. Nang kinakapos na siya ng hininga ay bahagya niyang itinulak ang dibdib nito, pero hindi siya nito binitawan. Pareho silang hinihingal at magkadikit ang mga noo nila. “Paid,” bulong nito sa pagitan ng paghinga. At bigla na lamang siyang binitawan na parang walang nangyari. Dahilan para mapasalampak siya sa sahig. At nakangisi pa ang lalaking ito na bumalik sa sofa. Naupo ito at ipinatong ang dalawang paa sa center table sa harap ng sofa. She gather herself at pabalyang hinarap si Giovanni. “Ngayong bayad na ko, pwedeng umalis ka na!” she gritted her teeth. Nakangisi itong tumingin sa kanya. Nanggagalaiti siya at gusto niyang hatakin ang labi nito para mawala na ang nakakainis nitong pagngisi. “Nah-ah. Make me some food,” kinuha pa nito ang cellphone sa bulsa at naglaro ng Candy Crush. At ginawa pa siya nitong katulong! Napahilamos na lang siya gamit ang kamay niya sa sobrang pagkairita at nagdadabog na pumunta sa kusina. “Make it delicious! Like your lips!” Arghh. E kung lasunin na lang kaya niya ang walang hiyang bipolar na ito? -----------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD