Napakurap- kurap si Annina at pinunasan ang luhang nakatakas pala sa mga mata niya. Isang iglap lamang ay nasa realidad na siya. Sinabi niya ang lahat sa binata maliban sa huling parte. Ang pagbubuntis niya. Kailangan niyang humanap ng mas maayos na pagkakataon para masabi iyon sa binata at mapag- usapan nila. At halata namang hindi pa ito ang pagkakataon na iyon. At ito si Gio, matamang nakatingin sa kaniya. Walang kahit anong emosyon sa mga mata nito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng binata. "I'm... I'm sorry, Gio. I had to chose. I had to... Kahit parang hinihiwa ang puso ko ng milyung- milyong kutsilyo. I had to let you go. Hindi ko alam kung iyon ba ang makakabuti sakin, kasi alam kong gabi- gabi akong magsisisi kung bakit kita ni-let go. But one thing is I know, makakab

