"Tito Renan." Ngumiti sa kaniya ang lalaki. "Sweetie, bakit ka umiiyak?" tinulungan siya nitong tumayo at pinagpag ang bestida niya. "Wala po." Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya. She flinched and took a step back. She doesn't like the feeling of this man touching him. Isa pa, kahit galit siya kay Gio, she trusts him. At kapag sinabi nitong layuan niya ang taong ito, dapat talaga niya itong layuan. "Uuwi na po ako," tinalikuran na niya ang lalaki ngunit hinawakan nito ang braso niya. "Ihahatid na kita pauwi," ngumisi ito. "Maraming nangunguha ng bata ngayon." "Wag na po, Tito. Salamat po." "I insists sweetie." Hinatak siya nito. Halos makaladkad ang paa niya. Malalaki ang hakbang ng lalaki at masakit na ang braso niyang hawak hawak nito. "Tito, saglit lan

