Unti unting nagmulat ng mga mata si Annina dahil sa ingay na nanggagaling sa kung saan. At ang unang namulatan niya ay ang puting puting paligid. Ibinangon niya ang kalahati ng katawan at iginala ang mga mata. Nakita niyang bukas ang malaking telebisyon na nakadikit sa pader at nasa tapat lamang niya. Doon pala nanggagaling ang ingay. Ngunit wala namang ibang tao doon bukod sa kaniya. Napasulyap din siya sa brasong may nakakabit na IV. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit inaalala ang nangyari. Nang sapuhin niya ang kaniyang ulo, naramdaman niya ang nakabalot na benda doon. At bumalik sa kaniya lahat. One second she's sitting on Gio’s lap at ngayon heto siya at nakaratay sa ospital, ang pinakaayaw niyang lugar sa lahat. Naikwento sa kaniya niya Sister Martha noon, ang madreng nag

