ONE

2113 Words
"Pasensya ka na Nina. At sa ganitong trabaho lang kita naipasok" iniabot ng matandang babae ang mop at iba pang panlinis na nakaipon sa lagayan. "Naku, si Nanay Meling naman o. Nagpapasalamat nga po ako at naipasok nyo pa ko kahit janitress. Wala naman ho kasi akong natapos," tinapos ni Nina ang pagsuot sa asul na unipormeng una nang naibigay sa kanya kanina ni Nanay Meling at inabot ang mga panlinis. "O siya, alam mo na kung saang palapag ka naka-assign diba?" "Opo, 'nay. Salamat po." "Sige at mauna na ako. Matatapos na ang break kailangan kong linisin yung canteen," at lumabas na ang matanda mula sa kwartong mistulang locker nilang mga janitress. Naka-assign siya sa ikalabing-apat na palapag. Ang accounting department ng building na iyon. Malaki ang pasasalamat niya kay Nanay Meling at natulungan siya nito magkatrabaho lalo na ngayon na kailangan na kailangan niya ng pera para kay Jion. Ayon kay Nanay Meling, ang building na iyon ay pag-aari ni Edward Lai, isang milyonaryong Taiwanese na may malalaking business internationally. Sa hindi nya malaman na dahilan, ay parang pamilyar sa kanya ang pangalang iyon, kahit alam niyang hindi niya kilala ang taong iyon. Iba-iba ang negosyo ng Edward Lai na ito, at sa ngayon, ang building na iyon ay nakapokus sa pagiimprinta ng mga libro at dini-distribute iyon sa iba't ibang parte ng bansa. Agad siyang sumakay ng elevator at pinindot ang buton na may nakalagay na 14. Mag isa lamang siya doon. Ngunit tumigil ang elevator sa 10th floor at sumakay ang ilang babae at kalalakihan, kaya naman sumiksik siya sa sulok. "Sayang naman 'no? Maganda pa naman." "Janitress pare e. Kahit maganda, may taste din naman ako sa status sa buhay." "Mukha siyang hindi janitress." "Tama ka riyan, girl. Inggit ako sa kutis, hay." Hindi niya alam kung bulong ba iyon dahil rinig na rinig niya. At hindi siya ganun katanga para hindi mapagtanto na siya ang pinag uusapan ng mga ito. Nang tumigil ang elevator sa 12th floor ay halos sabay sabay din na lumabas ang mga tao sa elevator. Kaya siya na lamang ang naiwan doon. Napahinga siya nang maluwag. Mas gusto niya iyon. Walang bulong-bulungan. Nang makadating siya sa palapag kung saan siya nakaassign, agad niyang minop ang sahig. Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis nang tumunog ang kanyang cellphone. *** "What the fvck is wrong with you, Giovanni?!" Bakas na bakas sa mukha ni Edward ang galit dahil sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang wala na itong pakialam sa pagpapatakbo ng kumpanya dahil, in the first place, sobrang yaman na nito to the point na di na nito kailangang gumalaw para kumita ng pera. But they are chains of companies. At wala itong magagawa kundi hawakan muna ang business nilang magkakaibigan dahil kailangan nyang habulin si Remi, his one great love. Ngunit ayaw ng walang hiya niyang kaibigan. Giit nito, he is too lazy to move! For pete's sake! Napahilamos na lang siya gamit ang kamay niya. Kung may choice lang siya, si Creig na lang ang tatawagin nya, o si Jameson o si Mirkov. Pero si Creig na ang nagma-manage ng Hotel and Restaurant business nila, si Jameson naman sa Automotive at si Mirkov sa cruise ships. May sari-sarili din naman silang business, but they decided to build a partnership. That's why they all both have the right to call each other in times of need, especially in managing their chain. At itong si Giovanni, ang pwede na lang niyang hingian ng tulong, ayaw pa nito! What a fvcker. Napabuntong-hininga na lang siya. Alam din naman niya kung bakit nagkaganito ito. "Alis na 'ko," simpleng sabi nito at lumabas na ng opisina niya. Napasapo na lang siya ng noo. The guy is a real pain in the ass. Gusto din naman niyang habulin ang lovelife niya! *** Sumakay si Giovanni sa elevator at pinindot ang underground floor kung saan naroroon ang parking lot. Kasalukuyan siyang nasa bar noon nang tumawag si Edward at pinapunta siya opisina nito. Hindi din naman lingid sa kaalaman niya kung bakit ito nagpapatulong. It's because of Remi. She'll be flying to London. At hahabulin ito ni Edward. Tumigil ang elevator sa 14th floor at sumakay ang ilang kababaihan. Mukha pang kinikilig ang mga ito. And it irritates him. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung mga babaeng ipinagdudul-dulan ang sarili nila sa lalaki. Pasara na pinto ng elevator nang may mahagip ang kanyang mata. It's her. Kaya naman agad niyang iniharang ang kanang kamay niya- na kanina ay nasa bulsa- sa pinto ng elevator para hindi iyon tuluyang magsara. May pagmamadali siyang lumabas ng elevator para masigurong hindi siya dinadaya ng mga mata nya. His vision is still clear. That's his conclusion. Because it's really her; the woman he never expected to see again after how many years. But what really concerns him is how she looked. She's there, sitting and crying like a child on the cold tiles. He doesn't know what to do. He just stand there like a statue, doing nothing. But one thing is for sure, she's still the same b***h from 6 years ago. And he's happy to see her suffering. Isang nakapangingilabot na ngisi ang gumuhit sa labi niya. KASALUKUYANG dinudutdot ni Edward ang cellphone nya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nya. Naiirita sya. Out of coverage pa din ang cellphone ni Remi. "Who told you to—" nag-angat siya ng tingin at nagulat nang makitang si Giovanni iyon. Nakapamulsa ito at bored na nakatingin sa kanya. "What do you want, Alejandro?" naningkit ang mga mata niya dito. "I'll be handling this company of yours while you are chasing your f*****g 'great love'," ano daw? Nagkamali ba siya ng dinig? Pagkasabi niyon ay aktong lalabas na ito ng pinto. "What made you change your mind?" Takang tanong niya. Tumigil ito sa paghakbang. Ngunit hindi lumingon sa kanya. "Nothing. I just saw a very interesting b***h in your company." And with that, tuluyan na itong umalis. Kumunot ang noo niya. That sounds trouble. *** Nagmamadaling tumakbo si Nina patungo sa ospital. Nakatanggap siya kanina ng tawag galing sa guro ni Jion. Nakipag-away daw ito sa isa nitong kaklase at naitulak, dahilan para mauntog ito sa kanto ng teacher's table at dumugo ang ulo. Sa sobrang gulat niya ay napaupo siya sa sahig at napaiyak. She knows that her child is being bullied. Ngunit di niya inakala na aabot ito sa ganoon. Nang makarating siya sa kwartong sinabi ni Ms. Roces ay dali dali siyang pumasok doon at nakita ang anak niyang natutulog sa hospital bed at may benda sa ulo. Napaiyak siya. Umupo siya sa katabi nitong silya at hinawakan ang kamay ng anak. Nasa ganoong estado siya nang pumasok ang isang nurse na halos kaedad niya. "Kayo po ba si Ms. Annina Palmez?" Tanong nito habang nakangiting nakatingin sa kanya. Mukha itong mabait. "Opo, ako nga po. Okay lang po ba ang anak ko?" nag-aalalang tanong niya. "Ako po si Nurse Idelaide. Opo, Ma'am. Huwag na po kayong mag-alala. Kasi po hindi naman ganoon kalaki ang sugat ng anak ninyo. Kaso lang po nawalan sya ng malay. Baka po mamaya ay magising din sya agad, at maari nyo na po siyang i-discharge," sagot naman nito. She sighed in relief. "Magkano po kaya ang babayaran ko?" Sabi niya. "Naku, okay na po Ma'am. Na-settle na po ng school nya." "Maraming salamat po." Tumango pa siya dito. Tumango din naman ito pabalik bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Kalalabas lang nang mabait na nurse nang pumasok naman si Ms. Roces. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Pasensya na po kayo Mommy Nina. Lumabas lang po ako saglit para kausapin yung teacher na magbabantay sa kanila dahil kailangan ko pong umalis. Pero pagbalik ko, nakita ko na lang po syang nakahandusay. Patawarin nyo po ako. Hindi ko sila nabantayan ng maayos," puno ng sinseridad na sabi nito at yumuko. Ngumiti siya. Wala naman itong kasalanan. Alam niyang ginawa lamang nito ang trabaho nito. "Ayos lang po iyon Ma'am Roces" sabi niya. "Mabuti na lang po nakabalik kayo agad. Kung hindi baka kung ano na pong nangyari sa anak ko. Salamat po sa pagbabantay sa anak ko." Napaiyak ang guro. "Friend naman e. Huwag mo ngang sabihin iyan. Pinagkatiwala mo sakin ang anak mo tapos ganito ang nangyari," gusto niyang matawa. Tuluyan na ngang umiyak si Faith. Matagal na niya itong kaibigan. At malaki ang utang na loob niya dito. Dahil ito ang nagbabantay sa anak niya sa eskwelahan tuwing kailangan niya magtrabaho. "Okay lang yun Faith, ano ka ba? Hindi kita sinisisi. Nagpapasalamat pa nga ako dahil binabantayan mo si Jion ko." Niyakap niya ito at gumanti naman ito ng yakap. They are best friends. Pareho silang galing sa Bahay Pag-asa, an orphanage. At matagal nang pangarap ni Faith maging guro. Kaya naman pareho silang nagsikap. Yun nga lang talagang serial killer ang buhay. Pinatay ang pangarap niya. Kaya nang maging guro si Faith, ay nangako itong tutulungan siya. Which is tinutupad nito at malaki ang pasasalamat niya. Si Faith ang kauna- unahang taong nilalapitan niya pag kailangan niya ng tulong. At ganoon din naman ito sa kanya. "Sorry talaga, Nina." Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa kanya. "Pangako babantayan ko na ng maigi si Jion para di na uli to mangyari. Saka wag ka mag-alala, nakausap ko na ang mga magulang no'ng batang tumulak sa kanya. Humihingi sila ng tawad at nagpasyang ilipat ng eskwelahan ang anak nila." "Mabuti naman kung ganon. Sige na, Faith. Ako na ang bahala dito. Bumalik ka na sa klase mo," sabi niya. Nasa mukha ng kaibigan ang pagproprotesta. Ngunit sa huli ay pumayag din ito. "Basta babalik ako dito pagkatapos ng klase. Sabay na tayong umuwi," sabi nito. Ngumiti siyang nagpatango-tango. "May pera ka pa ba dyan? Kapag kailangan mo ng pangkain o pamasahe, sabihin mo lang sakin ha?" Sabi pa nito. Gusto niyang maluha. Napakabait talaga ng kaniyang kaibigan. Kaya napakaswerte ng makakabihag sa puso nito. "Meron pa. Kaya sige na. Balik ka na sa klase mo," pagtataboy niya dito. "O sige. Bye, Nina." "Bye, Fey," at tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Bumalik naman siya sa tabi ng anak. At pinisil-pisil ang kamay nito. *** "All the company staffs, from higher to lower ranks, must proceed to the Grand Conference Hall within fifteen minutes." Tatlong beses inulit sa mga speaker na naka-install sa bawat sulok ng kumpanya ang mga katagang iyon. Kaya naman lahat ng empleyado ng Lai Publishing Company ay nagsimula nang magsipasok sa mga elevator. Labing limang minuto ang nakalipas, ang lahat ay nasa Grand Conference Hall nito. Dito ginaganap ang pagtitipon na ang concern ay lahat ng miyembro ng kumpanya. Lahat nag department ay nandoon na, maging ang Sanitary and Environment department. Natahimik ang buong lugar nang pumunta na sa podium si Edward, ang kanilang boss. "As you all know, I am handling this company for 4 long years now." Panimula nito. "And all of our achievements are the fruit of all your hardwork, my loyal employees. The company managed to be the top one publishing company in the country. Thank you all for that, and I wish to continue all the hardworks to achieve a higher goal. As for today, I want to inform all of you that you'll be under a new management for a couple of months. Because I'll be leaving for London to arrange other business. With that, I want you to all meet, Mr. Giovanni Alejandro, the acting CEO of this company as of today." Nakapamulsang tumaas si Giovanni sa mababang entablado at nanatiling nakatayo sa tabi ni Edward. Mataman siyang nakatingin sa lahat ng empleyado, partikular na sa Sanitary and Environment Department. Pasimple niyang hinanap ang babae. Ngunit wala ito. At naikuyom niya ang kanyang kamao sa pagkairita. She's still the same irresponsible fvcker. "Mr. Giovanni Alejandro, the CEO of Alejandro Airlines and a good friend of mine, will be handling all of you while I am away. Please do respect him as much as you respect me for they are our partner for a long time now. Please give him a round of applause." Pumalakpak naman ang lahat, lalo na ang mga kababaihan. "Ang gwapo ng bago nating boss!" "Ang hot niya, 'te!" "Oo nga giiirrrlllll." Napaismid si Giovanni at bahagya lang na tumango-tango sa palakpakan ng mga tao. "He will be visiting every department today so please get ready. You are all dismissed." Matapos sabihin iyon ni Edward ay bumaba na ito ng entablado kasunod si Giovanni. "I owe you for this one, Gio. Thanks." "No problem, deepshit," natawa na lang si Edward sa asal nito. He is really Giovanni, the shitmouth, Alejandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD