IM IN COMMA

3315 Words
~Ipaglalaban ko ang ating pagibig Maghintay ka lamang ako‘y darating Pagkat ang isang taong mahal mo Ng buong puso Lahat ay gagawin makita kang muli..... “Heart rate?”Dinig kong boses sa kung saan. “Normal!”Sagot ata ng kausap nito. “Oxygen?blood pressure?”Boses uli na na ume echo sa pandinig ko. “Normal!”Kahit masakit pinilit kong idilat ang mga mata,asan ako?Naitanong ko nangmakita ang puting Celling na nasaitaas,unti unti kong iniikot ang mga mata. “ayos ka na ba?” Napalingon ako mga nurse ang nakikita ko.Tika nasa hospital ako? Napansin ko rin ang mga aparatus na nasa ilong,bibig at ibat-ibang parti ng katawan ko. “Did you hear me?” Tanong nito. Napatango nalang ako,s**t unti-unting na fe feel ko ang p*******t ng katawan ko.Napasunghap nalang ako ng i check nito ang mata ko nag hahanap siguro ng sign.May pumasok naring doctor para tanggalin ang aparatus na nasa akin ngayon. “Anak..!” naluha ako ng mapansin ko ang mga luha ni mom na tuloy-tuloy ang agos mula sa mga mata nito. “Hayaan lang po muna nating magpahinga ang patient ma'am!” Nakangiting tumango si mom,maya maya lang bumukas ang pinto nakita ko na si Dad na pumasok,hindi ito umiyak gaya ni mom but I can see the happiness written his face. “Thats may daughter!”Tila proud na proud nitong sinabi.Napangiti nalang ako bilang tugon ang hirap din kasing ibuka ng bibig ko ngayon. “Magpahinga ka muna!”Wika ni ma'am saka ako hinawakan sa kamay. HAHANAPIN KITA****** Umecho ang mga salitang yon sa tainga ko sumasakit ang ulo ko parang nag pi- picture out lahat ng nangyari ng malinaw na malinaw. “Anak ayos ka lang may masakit ba?”Tanong nito sa akin halata sa boses nito ang napipintang pag aalala.Pero hindi tuloy tuloy lang, para akong nanonood ng sine napakalinaw. “Mom?!”Naibuka ko ang bibig ang hirap nangangalay ito kaunti rin ang boses na lumalabas dito pero,gusto ko sanang magtanong sa kung sino at ano ba ang nangyari,gusto ko malaman kung sino ba ang nagligtas sa akin at kung nahuli na ba ang mga rebelde at si Ka Guryong..kung anong lagay nya. “Maya ka na magtanong,because right now ang kailangan mo ay matulog although galing ka sa mahabang pagtulog kailangan mo paring magpahinga!”Wika nito sakapilit na ipinikit ang mga mata ko.Napa tango nalang ako sa sinasabi nito saka ako unti unting ninakawan ng kamalayan. “Salamat naman,oo nga e isang malaking miracle ang nangyari sa kaniya kaya sobrang pasalamat ko..”Naalimpungatan ako sa mga katagang narinig ko. “O Kumusta si Maiea?”Napadilat ako ng mga mata ng marinig ang pangalan ni Maiea. “Tita?”Pinagmasdan ko ang malamlam nitong mata sa edad na forty nine masasabing bata pa ito.Naka formal suit ito kung hindi ako nag kakamali nasa opesina ito galing. “Kumain ka na!”Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Mommy hindi ko manlang nahawakan ang mga kamay nito ni hindi ko rin alam kung kailan pa narito si Tita even ang topic nila. “Halika..ibinalat kita nitong mangga!” Napangiti nalang ako rito pero gusto kong malaman kung anong nangyari kay Maiea. “Tita...Im sorry...!”Napaiyak ako rito ng makita ko siya kabisado at malinaw parin sa akin ang nangyari. “Shiiiii! Ano kaba...!! hayaan mo sila..Balita ko kay Maiea,may reunion daw kayo?” Yakap nito saka ang paghaplos sa akin.Napatigil naman ako sa mga huling sinabi nito. “Po?” Nakangiti niya akong hinarap. “Yeah..Babalik sana sya dito..but hindi sya nakabalik kasi nga..!”Napahinto ito sandali saka sinulyapan si mama,iwan hindi ko maintindihan ang reaction nito dahil nasa likod ko siya. “Buhay sya tita?”Napalingon ito sa akin,saka nangunot ang noo.Buhay siya?Paanong nangyaring buhay siya?pero kasi...shit sumasakit na naman ang ulo ko. “Yap!”Wika nito na nangungunot pa ang noo saka ako binigyan ng matamis na ngiti na parang may sign language sila ni mom. “Pero bakit?Kita ng dalawa kong mata ang pagbaril sa kaniya.”Naisigaw kong wika “Huh?Pero..!”Napangiti siya base sa reaction nito na maging siya ay naguluhan sa pinagsasabi ko masyado kasing exaggerated at parang sinasabi ko na bakit pa sya nabuhay....pero nagulat lang talaga ako. “Yap,buhay siya buhay na buhay,hindi nga lang siya makapunta rito dahil busy siya sa N.Y para sa upcoming board exam nila e!” Napa tabon pa ito ng bibig na parang nabigla sa lumabas sa bibig nito.Anong board? si Maiea mag bo board pero bakit? “Board exam?”Feeling ko mabubuang na ako,paano magkakaroon ng board exam kung first year college palang kami? “Tingin ko hindi pa sya handa..!”Wika ni mom kay Tita,nakita ko rin na parang ngayon nya lang narealize lahat ng pinagsasabi nito,napangiwi ito saka ibinalik ang mala anghel na ngiti. “Moommyy! anong board exam?Anong reunion?” Wika ko rito maging ako ay naguguluhan na rin sa nangyayari. “Baby..shiiii!”Wika nito parang gusto nitong maging kalmado lang ako pero alam kong maging siya ay naguguluhan narin,Bakit? board exam?paanong mag bo-board exam sya e first year palang kami or........ Napalingon ako sa kanila maging si tita ay namumula na.Kahit kinakabahan tinanong ko pa rin sana hindi sana wala. “Anong araw na po ba ngayon?”Tanong ko sa kanila.Maging sila ay natahimik sa tinuran ko si Tita nakatingin na celling ,si Mom busy sa pag babalat ng prutas,hindi ko alam kung narinig ba nila o nag bibingibingihan lang? GALING KA SA MAHABANG PAGTULOG**** MAHABANG PAGTULOG****** MIRACLE**** Walang umimik sa kanila nakatulala lang sila sa akin,humahagul-gol na ako.Hinablot ko ang cellphone ko na nasa table nilalagyan ng mga prutas. Time*** 7:20pm June 20,2019 Napalingon ako sa kanila,bakit?bakit?Parang naglaho lahat ng lakas ko.Andaming tanong pero walang lumabas sa bibig ko tanging luha lang ang umaagos sa pisngi ko. “Bebe...!” Mahinhin na ang boses nito.. “Mom?hindi po ba advance masyado ang taon dito 2019? ang bilis naman.!” Kasabay non ang pagbukas ko sa google.Hindi rin malaman sa kung ano mangdahilan kaya ako tumatawa ng ganito. Latest news January...******* February******* Pumapatak ang mga luhang pinagmamasdan ko ang mga news,at mga teleserying natapos na at shinu shot palang.. “Bebe!”Napahagolgol na ako BAKIT? “I thought March palang year 2015!” Napahagalpak ako ng tawa hindi ko alam kong para saan ba ito o para kanino umaagos na rin ang mga luha ko habang sinasabi ko sa kanila,Napahawak ako s**t hindi ko ma imagine kung gaano na ako katagal rito napagiwanan ako ng mahigit tatlot-kalahating taon?Umaagos na ang luha sa mga mata ko. HAHANAPIN KITA**** Napahawak ako sa ulo ng maulinigan ang boses na yon kilala ko sya si Ka Guryong. “Ka Guryong...Mom si Ka Guryong bumisita ba sya?andito ba sya?” Tumutulo ang mga luhang sinasabi ko ang katagang yon. “Huh?Anong sinasabi mong Ka Guryong?”Kita sa mukha nito ang pagkagulo sa sinabi ko. “Si Ka Guryong tama sya yong nagligtas sa akin sya..tama sya..asan na sya huling dinig ko malakas na putok ng b***l mom asan na sya?”Gumagaralgal ang boses ko nanghihina na rin ako dapat nailigtas ko sya. “Ano?Sinasabi mo?wala kaming kilalang Guryong..Era?Sandali tatawag ako ng doctor!”Wika nito pero pinigilan ko sila ni Tita.. “Please mom.... sya ang nagligtas sa akin..si Ka Guryong yong naka salakot.” Wika ko rito pero parang wala,parang hindi sila naniniwala.Umiiling-iling lang ang mga ulo nito na parang sinasabing nag sisinungaling ako “Then tell me paano ako na comma?paano ako naging ganito?Paanong buhay si Maiea? Kung wala na sya?” Tumutulo na ang masagana nitong luha maging ako ay napahagulhol na sa inis,bakit?. “Magsalita kayo!”Hindi ko na napigilan ang pagbato ng mga gamit sa table.Nagagalit naiinis hindi ko malaman ang emosyong nararamdaman ko ngayon gusto kong magwala sumigaw. “You need doctors..!”Nasabi nito saka umalis naiwan si Tita na tahimik na namumulot ng tinapon ko maging ako ay humihikbi parin, ayuko ng ganito feeling ko mabubuang ako. “Tita?Bakit hindi nyo maintindihan?” Nasabi ko rito tahimik lang siya maging ako ay gulong g**o na sa nangyayari bakit parang wala naman atang may naka kilala? Sabi nya hahanapin nya ako?pero bakit wala parin ni bumisira hindi nya magawa. “Jakaira Doc!”Pagkarinig ko ng pagbukas ng pinto lumingon agad ako rito si mom na may kasamang Doctor! “Good morning eha!”Wika nito sa akin. “Sino sya mommy!”Wika ko rito although alam ko na Doctor ito base sa tindig nito hindi sya naka nitong suot gusto ko ring manigurado. “Sya si Doctor Balmaseda.!”Nangunot nalang ang noo ko rito. “Sya na ba si Era?How lucky she is!!” Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa nito o maiinis lang ako. “Mom?Im normal ayos na ako.! walang masakit ni Vital sign nga ayos ako im perfectly fine”Gusto kong makita si Ka Guryong.Wala namang magagawa yang pa vital check nila. Lumapit ito para i -checked parin ang katawan ko wala nalang ako umimik sa ginagawa ng Doctor na to. “She looked normal in Physical,maayos na sya...!”Wika nito kay mom halata naman sa mukha nito ang nabunutan ng tinik. “Doc,May sinasabi po kasi siyang Pangalan Ka Guryong daw?e wala naman po kaming kilala ni Nagbisitang ganon sa loob ng mahigit tatlong taon.!”Napatingin na ako kay Mom,sinasabi nya bang nababaliw na ako? “Sa case nya,tingin koy si Mr.Parmesano ang makakatulong sa kaniya!”Wika nito saka pinagmasdan muli ako bago ngimiti. “Mom..wag nyong sabihing nababaliw na ako.Dahil hindi ako baliw! totoo nag sasabi ako ng totoo!”Sa halip na sang ayunan ako tumalikod ito saka himarap sa pinto. “Wait,tatawagin ko lang ang doctor!” Tumalikod ito sa akin,pero alam ko at ramdam kong umiiyak ito,naisara nya na ang pinto ng kwarto,napabuntong hininga nalang ako,hanggang ngayon naguguluhan parin ako.Napalingon ako sa bintana.Inilapag ang mga paa saka hinawi ang kurtena. “Nasa,MH Hospital pala kami!”Naiwika ko saka pinagmasdan ang mga tao sa baba maging ang kalsadang siksikan parin sa traffic,andito na talaga ako sa Manila. “Asan sya!”Wika ng lalaking naka puti alam kong doctor ito. “Era?”Dim ang reaction ng mukha nito ni hindi ko mabasa ang sinasabi ng utak nito. “Hay...whats your name?”Mababatid ang maamo nitong mukha tingin koy nasa late 30 na ito. “Era!?”Patanong kong wika..bakit nya itatanong kung kilala na nito ako? “Yeah...what I mean is your real fullname!”Nakikita na ang labas nitong ngipin na ang puti puti!Hayshh midyo nahiya naman ako ilang araw araw lang ba o taon na ata akong wala nakakatootbrush.Isang bisis pero hindi ko na matandaan kong saan. “Jakaira Airam Perez..!”Mabulong kong wika nakaka intimidated ang mga tanong nito sa akin. Pinaanyayahan ako nitong umupo sa sofa katabi ng hospital bed tanging tango lang inilahad ko rito saka naupo sa sofa. “My name is Dave Parmesano! one of the Psychologist here! siguro naman natatandaan mo ako”Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. “So?Whats the matter?”Before I gave an irritated looked for mom.What did she mean?that im crazy?.Lumingon din ang Doctor na yon kay mom saka sa akin.Kita sa mukha nito ang mapilantik na mga pilik mata,matangos na ilong,medyo kissable lips na bibig maging ang jawline nitong lutang na lutang,napalingon din ako sa leeg nito makikita mula rito ang gumagalaw na adam apple. “Done? I hope you recognize me! gaze what?”Napabaling ang mata ko rito ng bigla itong magsalita.Wala namang bago lumingon ito sa akin saka bumuka ang bibig sorry masyado akong observant e. Kasabay non ang pag ayos maging ang pag seryuso ng mukha nito. “Had we met already?”Hindi ko siya matandaan ni kung saan o sino ba talaga siya.Napatawa ito saka ngumiti tumingin din siya Kay Mom na ngayon ay seryuso. “Si Doctor Parmesano ang nakita sayo!” Wika nito sa akin sanhi na napa kunot ang noo ko what?? “What? saan mo ako nakita?sa kalsada?saan?may narinig ka bang putukan that time?” wika ko habang tumutulo na naman ang masagana kong luha.Nawala na ang boses na pinakakawalan ko malakas ito at medyo pasigaw.Nakatingin lang ito sa akin ng seryuso wala kang mababasa ni katiting sa iniisip nya. “Sorry,pero iba ang nangyari sa real event,gumagawa ng sariling memory ang brain nya,at dahil yon sa lakas ng impact ng pagkakabangga nila!” Naguguluhan na ako sa sinasabi nito alam kong sa akin siya nakatingin pero si mom ang kausap nito. “What do you mean?Na iba ang nasa memory ko?Na hindi totoo ang memory na meron ako?Na hindi totoo si Ka Guryong na para lang syang isang fiction character sa mga novel na binabasa ko?” Nakakainis ka mom naiinis ako sayo nagagalit bakit ako?bakit ako ang nagakaka ganito? “What he looked like when you met him passed ago?” Wika nito na parang sinakyan nalang ang sinisigaw ko sa kanila,maging si mommy alam kong nag he hysterical na sa ginagawa ko. “Nakita ko sya,si Ka Guryong naka...salakot gamit ang isang tila,naka jacket ng itim,may lahing Kastila! sya yong....may mga matang bilugan na kulay kape.!”Magsasalita pa sa ako ng mapatingin ako kay mom naka iling na sya na parang imposible pero kailangan ko silang maconvince na totoo ang nangyari at hindi isang panagip lang. “That time!na flat ang gulong namin ni Maiea,bumaba sya actually nangyari na nga yon sa panaginip ko e,kaya alam ko ang pagkakaiba ng panaginip sa reality,Then walang signal sa palikuan that time,diba mom walang signal doon?”Tanong ko rito tanging tango lang ni mom ang nasagot,seryuso na rin ang mga mukha nila kaya alam kong nakuha ko na ang Attention nila. “Tinawag ako ni Maiea,sabi nya flat daw yong gulong then may something creepy paglabas ko....!”Napapahikbi na ako nag pa flash naman sa akin ang nangyari. “Shiiii....!”Wika ni mom sa akin.Kaya ko to. “May...may biglang..bumaril sa kaniya mom,kita ko ang pagbagsak nya na dilat na dilat ang mga mata. .!”Umiiyak na ako,pero kailangan ko paring sabihin ang nangyari sa amin.Kailangang masabi ko na hindi ito isang joke na walang joke. “Iniwan ko si Maiea,sabi ko hihingi ako ng tulong pero...iba...napahamak ako napunta ako sa bundok kasama nina Ka To...the guy with dimple sabi nya pa nga kaya daw nakasalakot si Ka Guryong para sa safety nito,ilang araw ako doon Mom...marami akong nakita kung paaano mamatay ang isang tao with the use of g*n,dagger at ibat iba..! na realize nakita ko mom”wika ko sa kanila parang wala lang iyon sa Doctor na nasa harap ko ngayon,wala syang imik parang ina analyze ang nangyaring event. “Mahilig ka bang magbasa ng novel,books short story etc...!”Wika nito sa akin,tanging tango lang naisagot ko sa kaniya. “How about K-Drama or Asian?” Nagpalingalinga ako nanonood ako pero hindi ako mahilig. “Mom...!”Nilingon ko si mom sa gilid,tahimik lang ito at hindi umiimik. “Anak hindi mo ba talaga nakita si Doctor..sa nangyari sayo!”Tanong nito,tanging pagiling lang naisagot ko,wala akong maalala,pinagmasdan ko uli ang kabuhang mukha nito pero wala,kahit ang boses nito although bareto pero wala..wala akong maramdamang kaba gaya ng kay Ka Guryong. “Siguro po hindi pa sya handa..may tamang oras pa naman para dyan..! bukas nalang uli tayo magkita kailangan mong matulog ng maaga” Wika nito saka ako binigyan ng maamong ngiti na parang nalungkot?pero kahit saang side ng brain ko wala wala akong nakitang sign na naroon siya na sya ang nagligtas sa akin? “Wag ka na munang mag isip ng kung ano ano matulog ka na at magpahinga bukas na natin pagusapan ang bagay na gumugulo sayo.!” Saka ako inalalayang mahiga ulit sa hospital bed.Kahit gusto ko pang magtanong gumana na ata ang sleeping pills na pinainom sa akin,inaantok na naman ako. “Good morning may Era!”Bunyag ni mom ng matapos na akong kumain,nakapagtootbrush narin ako nakakalakad na pero andito parin ako sa hospital para sa regular check up ang pagkakaalam ko kay mom sa sunod na lunes pa kami uuwi sa bahay,si Dad naman mula ng makatulog ako wala parin nakakadalaw napaka workaholic nito,naghihintay narin kami ni mom kay Doc Parmesano para sa mga ilang session namin,iwan ko pero alam kong wala naman itong magagawa. “Good morning ma'am,and Era?hows the day?” Masiglang boses nito. “Im perfectly fine!”Wika ko rito.Labas na naman ang mga ngipin nito na akalain mong parang model ng close up. “Good..!”Wika nito mga ilang minuto rin niyang kinausap si mom,sa hindi ko naman maintindihang wika. “Baby...I think this is the right time,to tell you the real event sa nangyari!”Wika ni mom,tapos na pala silang magusap.Real Event? scenario? “Based sa scenariong sinabi mo..!”Wika nito,so hindi parin sila naniniwala sa gusto kong sabihin? “Sinasabi nyo ba na hindi pwedng mangyari yon na joke lang yon na walang katutuhanan?” Naluluha na naman ako ano ba yan akala ko na convince ko na sila.Mahirap ba paniwalaan? “Bebe,makinig ka muna pls.makinig ka..!” Tumahimik ako,ilang minutong wala kaming kibuan hanggang sa bumigay si Doc. “The truth is..!”Kasabay niyon ang pag abot sa akin ng mga picture,tiningnan ko iyon,isang track at car na umuusok? “Do you remember that car?”Tanong ng doctor sa akin. “Yes...car...car yan ni Maiea right?”wika ko sa kanila saka inisa isa ang picture.Kasabay niyon ang pag abot sa akin ng isang video. “Paanong...!” Naiwika ko ng makita ko ang katawan ni Maiea na gumagapang. NEWS REPORT****** Reporter: Nangyari ang aksedente ngayon 7:10 ng umaaga March 20,2015,papuntang Santa Isabel ang track na puno ng gulay ng ng biglang may umover take na kotse,hinihinalaang kotse iyon ni Ms.Maiea Blanth anak ni Mr.Roger Blanth sinasabing ang kotsing iyon ay regalo sa kaniya ng ama mahigit dalawang taon ng nakakalipas.Sinasabing nabangga ito sa pag ta takeover,dalawang nasugatan sa track samantalang sinusugod na sa hospital ang dalawang sakay ng kotse na pinangalanang Ms.Maiea Blanth at Ms.Jakaira Ainam Perez mga anak ng top lawyer sa bansa.Ang nangyaring insedente ay iniimbistigahan pa ng polisya. Ako po si Ghenil Demali nagbabalita news one. Kita ko ang katawan ko na sinusugod papuntang ambulance. “Ikaw ba to?” Nasabi ko ng makita ko ang matangkad na lalaking naka Doctor suit naka mass ito at military cut. “Yes..sinabi ko kung may masakit ba sayo?pero tamang tango nalang nagawa mo!”Wika nito sa akin. Pinagmasdan ko ang kabuuhan niya. “Hindi kaya..!”Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito. “Pweding ako ang tinutukoy mong si Ka Guryong.!” Naiwika nito.Sya nga ba tanging brain ko lang ba ang gumawa ng event na yon,sabi nila lumalakbay daw ang kaluluwa pagnatutulog ka but science say no..na reaction lang yon na nagmumula sa brain ng tao. “Ma'am..I think kailangan ni Era mag undergo sa therapy,mahabang proseso pero mas good yon sa health nya,maari syang ma depressed sa kakaisip or over thinking sa mga nangyari!” Wika nito kasabay non ang pagbukas ng pinto. “Doc,hinahanap po kayo ni Ms.Merl!” Wika nong nurse,tumango lang ito saka humarap kay mom para mag paalam. “Just call me if anything happen here!”wika nito saka naunang naglakad.Nope hindi masyadong malayo kung sya nga yon. Malayong malayo even sa boses masyado syang sweet para maging ma authority. HINDI SYA ANG TAONG YON...********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD