Huminto ito sa paglalakad,maging ako ay napahinto rin,nagulantang ako sa nakitang mga naka handusay na patay.
“Sino ka?”wika ko sa lalaking nakasalakot na mababanaag ang mahinang tinig na nagmumula sa aking bibig.Self sino ba ang laging nakasalakot,napakaltok nalang ako sa ulo ko saka tiningala ang lalaking nasa harap ko ngayon.
“Ka Guryong?” patanong kong ulit ngunit sa halip na sumagot,kinuha lang nito ang isang damit saka itinapon sa akin.
“Para san to?para ba to sa seremonya nyo?” Hindi ko alam pero naluluha na habang tinitingnan ko itong napaka seryuso ilang metro narin ang layo namin sa mga kubo na naroon,maging ang ilaw na nangagaling dito ay mahina narin.
“Isuot mo to” mula sa authoridad na boses nito nakakatakot man ang boses nito pero hindi ko parin sinunod.Mamatay nalang ako susundin ko parin sya??No way.
“Sino ka ba talaga huh? ayuko!”wika ko rito,saka ibinalik ang damit na ibinigay nito sa akin.
“Pakawalan mo na ako kaya ko na ang mag isa okay.?”Kasabay ng tangka kong paglakad para mauna at lumayas na sa walang kwentang buhay na to ay ang paghablot nito ng aking kamay.
“Anong ginagawa mo?”Naiwika ko ng bigla nitong hablutin na parang wala lang ang damit kong kulay white at hinubaran ako nito tanging pink na b*a nalang ang natira sa akin,hindi ko alam pero parang biglang nag slowmo ang lahat bigla akong na istatwa sa ginawa nito, napatingin ako kung ano ba ang expression ng mata nito ngayon pero sana hindi nalang ako tumingin parang wala lang sa kaniyang ipinasuot sa akin ang black t shirt saka ako hinila or shall i say pilit pinatakbo.Bakit?diba dapat mainis ako?Pero iwan may kung ano sa sarili ko ang natuwa pa sa ginawa nito..Self..shit ano bang nangyayari sayo huh?
Malayo na ang narating namin kaya nagtangka na akong magsalita,hindi man nito sabihin pero alam kong tinatakas ako nito.
“Alam mo hindi ko malaman kong para saan ba ang pagtakas mo sa akin o hinahabol kana ng konsensya mo kaya mo ako tinakas pero itatakas mo ba talaga ako o its just a big joke?” Napahinto ako sa pagsalita ng bigla nitong takpan ng mga daliri nito ang bibig ko.Wala man lang bang konsederasyon ang isang to?Ano na naman ba ang trip nito.Nanlalaki ang mga mata kung nakiramdam sa paligid.
“Pre..pasindi nga!”Naiwika ng lalaki sa kasama nito.Wait tama ako itatakas ba ako ni Ka Guryong?pero...
“Excited na ako...para mamaya!” Kinabahan ako sa mga narinig ko sa kanila.Kasabay niyon ang pagtingin ni Ka Guryong sa relos nitong pambisig.
“Tara...!”Kasabay ng pag alis ng isa nitong kasama ang pagsugod ni Ka Guryong at mabilis na paggihit sa leeg nito,napahawak nalang ako bibig ko parang wala lang ito sa kaharap ko,kasabay niyon ay ang paghila nito sa madilim na bahagi,salamat nalang at midyo makulimlim kaya natatabunan ang buwan maging ang mga bituin imbes na magreklamo go with the flow nalang ako sa kaniya.
Self bat parang wala lang sa kaniya makita ang katawan mo?
Oy self tumahimik ka nga riyan ano bang nagyayari sayo.Natahimik ako ng bigla kaming huminto sa pagtakbo.
“Kailangan nating umabot sa loob ng 4 na oras!” Wika nito napatingin ako sa relo nito 9:30 na ng gabi ibigsabihin kailangan bago mag ala una naroon na kami sa kung saan ba nito balak pumunta pero s**t self ang gwapo ng pag kakamonotone ng boses nya kong pwedi lang sumigaw ginawa ko na pero bawal.
“Pwedi bang magpahinga muna tayo?” Naiwika ko rito,pagod na pagod na ako sa katatakbo mga dalawang oras na akong tumatakbo pero wala parin kami nakakarating sa dapat na paroroonan.
“Sige,kahit nga 5 minutes lang kailangang makalabas tayo sa teretoryo nito,bago nila malamang wala ka sa lugar nila.” Mula sa baretong boses nito,s**t lalaking lalaki ang tuno.
“Nila?what do you mean?” Naiwika ko rito.Pero sa halip na sumagot nakatutok lang ito sa relong pambiaig nito.
“Bakit mo ako tinulungang makatakas?” Tanong ko rito,kahit hindi na nito sinasabi ang mga sagot sa tanong ko gusto ko paring magtanong.
“Hindi na mahalaga yon! Halika na” Wika nito,kasabay ang paghila na muli sa kamay ko,ang bilis nitong tumakbo.
“Isang kilometro nalang at nasa boundaries na tayo,mas dilikado sa susunod.” Tingin koy paalala ito sa akin sa lugar ata yon nina Ka Leopard,napahinto ako ng huminto ito at itago akong muli sa gilid ng madahong bahagi.Kitang kita mula rito ang pagmasid nito sa paligid,mayamaya lang nakita ko na ang dalawang taong palapit sa kinaroroonan nito walang ano-ano niyang ipinalipad ang dagger nitong hawak kasabay ang paghablot ng kutselyo sa binti nito,napatabon nalang ako sa bibig upang makaiwas sa impit kong paghikbi sa bawat minutong nakikita kong may pinupugutan itong ulo.Hindi ko malaman kung naiinis,natutuwa o nagaglit na ba ang expression nito dahil tanging mata lang nito ang nakikita sa naka salakot na mukha at hindi ko pa iyon maaninag dahil sa madilim na kapaligiran na tanging buwan lamang ang nagihing ilaw.
“Lumabas ka na riyan!” Kasabay ang pag abot ng mga kamay ko ay ang pag abot ng kotselyo sa kaliwang kamay nito na parang kahit ano mang oras ay pwedi siyang pumatay. Ang cool nya tinganan.
“Halika na malapit na tayo..!” Wika nito sa kin.Kasabay niyon ang pagtakbo..takbo lang kami ng takbo pamisan minsan lumiliko,paakyat pababa ang takbo namin,hindi ko na pansin ang malamig na hanhin maging ang puso kung may sakit.Iwan kong gaano na kalayo ang natatakbo namin peeo alam kung subrang layo na ng natakbo namin iwan ko ba self bakit parang gusto ko ng huminto ang oras. Oras na kaming dalawa lang ang nakaka alam.
“Ka Guryong!”Huli na ng biglang tumama ang isang dagger sa gilid nito.
“Shit.!”Mura nito,tumama ito sa tyan niya malapit.Parang wala lang sa kaniyang hinugot iyon saka ako tinago,hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kaniya,pilit nitong tinanggal saka pinakiramdaman ang sarili,maya maya lang bigla nalang nitong ibinalik kong saan nanggaling ang dagger napaigting ang bagang nito sa nakita. May isang lalaking naka morame rin ang naglalaro ng dagger,tingin koy mag isa nalang siya pero,sa itsura nito ngayon parang high na high ito.
“For you!”Napa pikit ako ng biglang pugutan ang ulo ni Ka Guryong gamit ang dagger na naging sanhi ng pagkakaroon nito ng sugat.Dilat ang mata nitong nakatingin sa akin,kita rin ang pagagos at pag sirit ng dugo sa leed nito.
“I kilometro pa ang layo natin!” May nakita akong isang pulang tila na nasa gilid tingin koy saka pa lang kami naka labas ng teretoryo ni Ka Reyndard. Napasulyap ako sa kaniya,ramdam ko rin ang pagpipigil nito ng hininga, na nakakadag dag pa ang suot nitong salakot.Bakit ba ayaw nitong tanggalin ang salakot na suot?Tingin nya magagawa ko pang isumbong siya?kung sya ang dahilan ng pagtakas ko?Gusto kung tanggalin ang salakot na meron siya pero hindi ko magawa bakit parang may pumipigil sa akin?
“s**t!”Napahinto ako ng tumingin siya sa relo nito 12:00 na ng gabi,iwan pero kinakabahan na ako ngayon.
“Tara!” Tangka na kaming aalis ng biglang may pumalakpak sa kung saan.