Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko habang naglalakad papunta sa next class ko. Hawak ko ang libro sa dibdib ko habang papikit-pikit ang mata na naglalakad sa hallway kung saan maraming mga estudyante na tumatambay sa gilid. Ramdam na ramdam ko ang matatalim nilang titig na hindi ko na lamang pinansin dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko, dagdag pa na sobrang puyat ako dahil panay ang kalabit ni Bryson sa akin. Pumasok ako sa classroom namin habang lutang. Habang nagtuturo ang teacher namin ay walang pumapasok sa isip ko kun'di matulog. Sa kalagitnaan ng pagtuturo niya ay hindi ko mapigilang mapapikit sa antok. Hindi ko alam kung naka ilang hikab na ang ginawa ko at mukhang napapansin na iyon ng teacher namin dahil panay ang tingin niya sa gawi ko habang nakataas ang kilay niya. Nan

