Nagising ako na medyo magaan na ang ulo ko. Nagmulat ako ng mata bago nilibot ang tingin sa paligid. Bukas ang ilaw at madilim na sa labas. Agad na napabangon ako sa kinahihigaan nang mapagtanto na uwian na. "Bry," nanghihinang tawag ko kay Bryson na nakaupo sa kabilang kama. Mula sa pagtitipa sa cellphone niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin. "You're awake," aniya bago tumayo sa higaan at umupo sa gilid ko. Lumubog ang kama nang umupo siya sa tabi ko. His one hand was placed on the bed to support his weight as he turned his body towards me. "Anong oras na?" tanong ko. He looked at his wrist watch and simply answered. "8 PM." Agad na lumaki ang mata ko sa nalaman. Ibig sabihin ilang oras na akong tulog? Ngayon lang 'ata ako nakatulog ng ganito kahaba. Palagi kasi akong puyat

