Tulalang nakatitig ako sa PT na hawak ko. Hindi ako makapaniwala sa naging resulta nito. Nanginginig ang kamay ko habang walang sawa sa pagpatak ang mga luha sa mata ko. Positive. Puno ng katanungan at pag-aalala ang isip ko sa kaalamang buntis ako. Paano na ang pag-aaral ko? Paano na ang mga plano ko sa buhay gayo'ng wala naman sa plano ko ang magkaanak nang maaga? Paano na si Bryson? Matatanggap niya kaya ang magiging anak namin? Handa na ba siya.. kami sa responsibilidad na pareho naming binuo? Paano na ang relasyon namin? Handa ba siyang panagutan ako o tuluyan niya akong iiwan at hihiwalayan sa kaalamang buntis ako? At higit sa lahat… Paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang kaalamang ito? Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko sa impormasyong

