Kabanata 2

1670 Words
Nanlalaki ang mata ko sa nasaksihan. "S-Sorry po, Sir B-Bryson," nauutal na paumanhin ng lalaki kay Bryson na masama ang tingin sa lalaki. Well, nabunggo lang naman ng lalaki si Bryson kaya natapon lahat ng pagkain at inumin sa damit nito. "P-Pupunasan ko na lang p-po." Walang pakundangan pinunasan nito ang damit ni Bryson gamit ang panyo na hawak. "Stop it." Nangilabot ako sa lamig at seryosong boses ni Bryson. Kahit malayo ay rinig ko pa rin ito dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Lahat ay napatigil at tanging paghinga na lang namin ang naririnig. Hindi ko nga alam kung humihinga pa sila sa tensyon na bumabalot sa paligid. "I said, stop it!" sigaw ni Bryson nang hindi pa rin tumigil ang lalaki sa pagpunas sa damit niya. Napaatras naman ang lalaki sa gulat at takot. Lumapit si Brydon sa lalaki bago kinuha ang salamin na suot nito. Napasinghap ang lahat nang walang isang salita na itinapon niya ang salamin sa sahig dahilan upang mabasag ito. Hindi pa siya nakuntento at tinapak-tapakan pa niya ang salamin hanggang sa tuluyan na itong masira. Ang sunod na narinig namin ay ang hagulgol ng lalaki at paghiyaw nito. Napaluhod ito at hinawakan ang salaming halos hindi na makilala. "Ang salamin k-ko..." iyak nito. Samantalang napangisi naman si Bryson habang walang awang nakatingin sa lalaking. "Don't mess up with me again, if you don't want to die," malamig na wika ni Bryson. "Regalo sa akin 'to ni Mama," wala sa wisyong ani ng lalaki, hindi pinansin ang sinabi ni Bryson. Tumalikod na si Bryson at akmang aalis na nang tumayo ang lalaki at akmang sisipain ang likod niya pero mabilis siyang humarap at sinangga ang paa nito bago ito suntukin sa mukha. Napahiyaw ang lahat nang makita kung paano binugbog ni Bryson ang kawawang lalaki at sinikmuraan pa ito dahilan upang mapaubo ito ng dugo. Napahiga ito sa sobrang panghihina bago nawalan ng malay pero hindi pa rin tumigil si Bryson sa ginagawa. Napangiwi ako sa nasaksihan. Gusto ko mang tumulong ay wala akong magawa dahil kahit ako ay binubully rin nila. Wala akong kapangyarihan na protektahan ang iba dahil ayaw kong madamay sa gulo. At kahit naman umawat ako ay hindi siya titigil at mas lalo lang lalala ang sitwasyon kaya mas mabuting manahimik na lamang sa tabi. Hindi ko na nakayanan ang nasaksihan kaya tahimik akong tumayo at niligpit ang gamit bago naglakad. Sa likod ako ng mga estudyante dumaan para walang makapansin sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa cafeteria. Bago umalis ay tumingin ulit ako sa loob upang silipin ang nangyayari ngunit nagulat ako at halos mapatalon sa kinatatayuan nang magtama ang tingin namin ni Bryson. Mula sa wall glass na nasa pagitan namin ay malinaw sa akin ang malamig na tingin na ibinibigay niya sa akin. Nakaigting ang panga niya at nakakuyom ang kamao na animo'y may hindi nagustuhan sa nasaksihan. Napalunok ako bago dali-daling nag-iwas ng tingin at tumakbo papalayo. Nakakatakot ang tingin nito na animo'y may ibig sabihin. Hindi ko alam kung bakit lubos na kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. Napasapo ako sa dibdib nang tumigil sa pagtakbo at pinakiramdaman ang malakas na t***k ng puso. Lumingon ako sa likod at napabuga ng hangin nang makitang hindi ito sumunod sa akin. Pinakalma ko muna ang sarili bago pumasok sa susunod na klase. "HERE is your order, Ma'am." Inilapag ko ang cake at baso ng kape na inorder nito bago tumalikod at nagtungo sa service station. Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan ako nag-pa-part time job. Alas sais na nang gabi at dito agad ako dumiretso pagkatapos nang huling klase ko. "Table 6," aniya ni Jose, isa sa mga chef namin. "Sige, salamat." Kinuha ko ang tray at maingat na dinala. Bitbit ang tray ng mga pagkain ay nagtungo ako sa table 6. "Ate Thea!!" sigaw ng batang lalaki sa babae na tumatakbo. Hinabol niya ang ate niya. Naghahabulan sila sa loob ng restaurant. Mukha namang walang pakialam ang mga tao sa paligid. Ang iba ay parang natutuwa pa at nakyukyutan sa dalawang bata. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hinanap ng mata ko ang magulang ng mga bata pero lahat ay may kani-kaniyang kasama kaya baka may pinuntahan lang saglit. Ibabalik ko sana ang tingin sa harap nang sa hindi inaasahang pangyayari ay may malakas na impact ang bumangga sa akin dahilan upang mabitawan ko ang hawak. Nanlalaki ang mata ko nang makita ang batang babae na nakasalampak sa sahig at nabuhusan ng mainit na sabaw ang braso nito. "Mommy!!" hiyaw ng bata bago pumalahaw ng iyak. Lumuhod ako at akmang hahawakan ang bata para patahanin nang may marahas na kamay ang humablot sa buhok ko at walang salitang inilayo ako sa bata. "Anong ginawa mo sa anak ko?! Walang hiya ka!" sigaw ng medyo may edad ng babae sa akin dahilan upang mapapitlag ako. "M-Ma'am, m-magpapaliwanag-" "Nasaan ang manager mo? I need to talk to him now! Anong klaseng restaurant 'to at naghired ng walang kwenta at bastos na waitress na kagaya mo! No wonder at waitress lang ang trabaho mo dahil isa kang pabaya at tanga!" "Ma'am, baka naman pwede natin-" "What's the problem here?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang mangager namin na madilim ang mukha at masama ang tingin sa akin. Bumaling ito sa ginang at magalang na ngumiti pero inirapan lang nito si Sir. "Sir-" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang unahan ako ng ginang. "Itong waitress niyo! Sinabuyan ng mainit na sabaw ang anak ko. Sinong matinong tao ang gagawa no'n?!" "Uhm Misis, baka pwede nating pag-usapan 'to sa opisina at ayusin nang maayos kung anumang problema," mahinahon na pahayag ni Sir. "Hindi! Ang gusto ko ay alisin niyo sa trabaho ang babaeng 'yan kung hindi ay ipapapulis ko 'tong waitress niyo at masisira ang reputasyon ng restaurant na ito." Nagpakawala ng buntong-hininga si Sir bago ako binalingan ng tingin. "I'm sorry to say this, Ms. Peralta. You're fir-" "Nakita ko ang lahat. Huwag mo siyang sisantehin." Napatingin ang lahat sa babae na naglakad papunta sa amin. Nakasuot ito ng mamahalin at hapit na damit na bagay sa magandang hubog ng katawan nito. Matangkad at maganda rin ito na animo'y model sa paraan ng paglalakad. "Excuse me? At sino ka naman?" nakataas ang kilay na tanong ng ginang sa babae. Ngumisi ang babae bago pinakita ang cellphone. "I have a record about what happened earlier. She didn't do it purposely. It was just an accident. In fact, it's your daughter who causes this mess." "What? No!" Umiling ang ginang at itinanggi ang nangyari. "Asan ka ba kanina? Oh ikaw ang dapat ang sisihin dahil sa kapabayaan mo sa anak mo kaya nangyari ito, so don't say anything dahil alam ng lahat ang nangyari." Sumang-ayon naman ang iba pang customer. Namula ang ginang sa pagkapahiya bago hinatak ang mga anak at lumabas na. Bumaling ang babae sa akin. "Are you okay?" Tumango ako. "You should not just fire her immediately without knowing her side. You're being one sided here." Napakamot naman ng buhok ang manager na parang nahihiya. "Sorry, Ma'am. Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko siya aalisin sa trabaho." Tumango lang ang babae at mukhang ma satisfied na sa sagot ni sir at umalis na rin. "Go back to work!" Dali-dali kong niligpit ang kalat at humingi ng paumanhin sa customer na naistorbo at nakakita sa gulong nangyari. Matapos ang trabaho ay naglalakad ako sa madilim na kalsada. Alas onse na ng gabi at wala ng masyadong tao na dumadaan. Tanging ilaw lang sa poste ang nagbibigay liwanag sa daan. "What now?! Hindi ka man lang ba tutupad sa usapan?" sigaw ng boses ng babae. Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng ingay. Nilingon ko ang pader at alam ko na sa likod nito ay may mga tao kung saan nanggaling ang boses. Napailing ako at akmang maglalakad na nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. "I didn't promise anything." Napatigil ang paa ko nang marinig ang malamig at nakakatakot na boses na iyon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naglakad sa pinanggalingan ng ingay. Sinundan ko ang ingay at patagong sinilip ang nasa likod ng pader. "May usapan tayo at pumayag ka! Ginawa ko ang gusto mo kaya dapat gawin mo rin ang pinag-usapan natin." Nanlalaki ang mata ko nang makita si Bryson at 'yong babaeng tumulong sa akin kanina. "I will just give you a huge amount of money, is it okay now?" "No! I don't need money, I have tons of it. What I need is you! I need you to f**k me!" Napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagsinghap dahil sa sinabi nito. "I can't give you that." "Then, I have no choice. I will tell her everything-" "Don't you dare," sabi ni Bryson at nag igting ang panga na animo'y nagpipigil. "I will, try me. Hindi ko nga alam kung bakit baliw na baliw ka sa babaeng iyon eh. Like what the heck! She's just plain, acting like a innocent b***h but the truth is she's a real slut, a good sucker-" Hindi na natuloy ang sasabihin nito nang sakalin siya ng lalaki. Napasandal ang babae sa pader at napahawak sa kamay ni Bryson na mahigpit na nakahawak sa leeg niya. "I will kill you," nanggagalaiting bulong ni Bryson. "S-Stop, I-I can't b-breath," nahihirapang usal ng babae. Halos manginig na ako sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. Natuliro ako at agad na kinabahan nang halos kalahating minuto na ito sa ganoong sitwasyon at kapag hindi pa siya binitawan ng lalaki ay baka mawalan na ito ng hininga. Posibleng ikamatay niya iyon! Inayos ko ang sarili bago humugot ng malalim na hininga, pinatatag ang loob. Alam kong posibleng ikapapahamak ko ang gagawin pero buhay ang nakasalalay rito. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa babaeng tumulong sa akin kanina at dahilan kaya hindi ako nasisante sa trabaho. Lumabas ako sa pinagtaguan at matapang na sumigaw. "Bitawan mo siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD