Dumaan muna kami saglit sa book store para bumili ng school supplies. Marami-rami din kasi ang kailangan gamitin para sa lesson plan. Kailangan din kasing maging malinis at creative ang lesson plans para dagdag points. Pagkatapos mabili ang mga kailangan ay bumiyahe na kami patungo sa bahay niya. Nagulat ako nang malaman na sa Housewell Subdivision pala siya nakatira. Halos lahat ng bahay ay magaganda at malalaki. May sarili din silang swimming pool at playground. Sobrang lawak ng Subdivision na 'to at halos mayayaman at sikat na mga tao lang ang nakatira rito. Paghinto ng kotse ay agad akong lumabas. Nalaglag ang panga ko nang makita ang malaki at kulay puting bahay. Napatingin ako kay Bryson nang malakas niyang isinara ang kotse bago naglakad palapit sa akin. "Let's go." Sumunod ak

