Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Kumalat ang dim lights, na nanggagaling sa chandelier, sa paligid. Malinis at malawak din ang paligid dahil kaunti lamang ang gamit na nakalagay. Base sa kulay gray na kulay ng kuwarto ay masasabi kong lalaki ang may-ari nito. Pamilyar din ang amoy sa paligid. Pumasok sa isip ko ang nangyari bago ako nakatulog. Sa pagkakaalam ko ay nasa sasakyan ako kasama si Bryson. Nakatulog ako sa upuan dahil sa sobrang antok. Tama! Ibig sabihin, si Bryson ang nagmamay-ari ng kuwartong 'to? Napasinghap ako sa nalaman. Bumilis ang t***k ng puso ko bago dali-daling bumangon sa pagkakahiga. Tiningnan ko ang sarili at nakahinga nang maluwag nang makitang gano'n pa rin ang suot ko. Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Bryson na nakasimangot. Aga

