HI GUYS.. I HOPE NAG EENJOY KAYO SA PAGBABASA..
-------------------------CJME---------------------------
Chapter 13: I THOUGHT WERE GOOD!!
JOSH P. O. V
Maaga akong nagising ngayon habang mag malaking ngiti sa aking mga labi. Masaya lang akong nagising dahil sa wakas ay naayos ko na rin ang problema namin ng mga kaibigan ko.
Lalo na at ayos na kami ni James. Kahit na alam kong hanggang ngayon eh nasasaktan pa rin sya dahil dun sa mga nasabi ko. Pero atleast ngayon eh okay na kaming dalawa.
Kay ngayong nagkaayos na kaming lahat kailangan eh di na ako magpadalos dalos sa pagdedesisyon at kailangan eh di ako magpadala sa galit ko. At higit sa lahat dapat ay makinig muna ako sa eksplinasyon nila kung sakali para maiwasan ang gulo.
"Princess bumaba ka na dyan ng makapag almusal ka na." sigaw ni kuya Alex sa labas ng kwarto ko na naging dahilan para mabalik ako sa ulirat ko.
"Saglit lang kuya. Maliligo muna ako." sagot ko naman at mabilis na tumayo sa kama ko at sabay ayos ng higaan ko. Tsaka mabilis na kumuha ng tuwalya.
"O sya sige sumunod ka nalang. At wag kang magbabad masyado sa tubig at baka mahuli pa tayo sa klase." pahabol naman ni kuya. Well kung malelate ako syempre pati rin sila malelate kasi pareho kami ng sched pagpasok sa school.
Kaya naman mabilis kong tinungo ang king banyo at mabilis na naghubad ng mga suot ko saka ko pinaandaf ang shower at mabilis na naligo.
Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin ako paliligo baka Malate pa ako eh.. Kaya naman lumabas na ako ng banyo at mabilis na punta sa table kung saan naroon ang iba kung gagamitin.
Pagkarating ko sa table ko ay mabilis kong kinuha ang blower at blinower ko agad ang buhok ko hanggang sa matuyo saka ako nagbihis ng uniform.
Pagkatapos ay naglagay lang ako ng polbo ,lipstick at nagpabango saka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto ko para makakain na.
Saktong pagkarating ko ng dining area eh kompleto na silang lahat at ako nalang ang hinihintay nila kaya naman masigla ko silang binati.
"Good morning Nanay Sita..."
"Good morning ate Glen...."
"Good morning kuya Jopeth.... "
"Good morning kuya Alex.... "
Ayan kompleto na lahat.. Wahhhhahahaha ang hyper ko today. Di ko mapigilan ang sarili ko eh.
"Good morning din princess." bati rin pabalik ni ate Glen sa akin.
"Good morning din Princess." maligalig na bati naman ni nanay Sita.
Ngunit ang pinagtataka ko ay si kuya Jopeth kasi bigla lang itong tumayo at lumapit sa akin sabay hawak sa leeg ko yung parang tinitignan ka kung mag lagnat ka ba.
"Wala ka namang lavnat princess ahh.. Tsaka di ka pa naman nakakain pero ganyan na ang inaakto mo. Nababaliw ka na ba princess.. Waahhh kuya dali tawag tayo sa mental baka lumala pa si princess." parang baliw na saad naman ni Kuya Jopeth. Kita mo tong taong to. Kapatid ko ba talaga to.
"Kuya wala akong lagnat. At di pa ako nababaliw. Its just that im super duper happy today." maligalig na sagot ko naman dito.
"And why is that princess?" singit naman ni Kuya Alex.
"Well nagkabati na kasi kami ng mga kaibigan ko. Lalo na kami ni James. That's why im so hyper and so happy today." sagot ko naman dito habang naka smile pa yan huh.
"Well that's good. Mabuti naman at nagkaayos na kayo." sagot naman ni Kuya Alex.
"Hay naku mga anak tama na muna yan. Mabuti pa kumain na kayo ng gahan nyo at baka mahuli pa kayo sa mga klase nyo." biglang saad ni nanay Sita kaya naman eh umupo na ako sa upuan ko at saka sumandok ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang minuto ay sabay sabay na kaming natapos sa pagkain kaya naman eh isa isa na kaming nagpaalam kay Nanay Sita na abala sa pag liligpit ng pinagkainan namin.
"Bye nay Sita." pamamaalam ko dito ay mabilis na humalik sa pisnge nito. Ganun din si ate Glen sa nanay nya.
"Kuya pwedi po bang di nalang ako sasabay sa inyu?" biglang saad ko kay kuya Alex pagkalabas namin ng mansion.
"And why is that??" seryosong tanong naman nito.
"Well namiss ko na kasi ang pagdadrive at saka miss ko na rin ang car ko. Please kuya please." sagot ko naman at sinabayan ko pa ng pagpapacute.
"Okay. But be careful. And please wag mong bilisan ang pagpapatakbo." pag sa sa ng ayon nito sa akin. Kaya naman nayakap ko sya ng wala sa oras dahil sa kasiyahan ko.
"Kuya ako rin. Ill drive my baby car." saad naman ni Kuya Jopeth at mabilis na tinungo ang sasakyan nito kahit na hindi pa sumasagot si Kuya Alex. Kaya naman si Ate Glen at Kuya Alex lang ang magkasama sa kotse ni Kuya.
Ag nung nakapasok na ako sa cad ko eh pinauna ko muna ang mga kuya ko saka ako lumabas sa napakalaking gate namin.
At dahil sa hindi naman traffic eh mabilis lang kaming nakarating ng school. Kaya naman pagkapark ko eh mabilis akong lumabas ng car ko at dali daling naglakad papasok sa higj school department at mabilis na tinungo ang room namin.
Pero bago pa ako makarating sa room namin eh nakita ko si Carlo kaya naman binati ko muna ito at saka nagsabag na kamo sa paglakad since magkasunod lang naman g room namin. At habang naglalakad kami eh panay ang kwentuhan, tawanan at harutan namin. Kaya nga marami ang napapatingin sa amin pero binalewala lang namin ito.
"O sya dito na ko Carlo. See you later nalang sa lunch time huh." paalam ko dito since nasa tapat na ako ng classroom namin.
"Okay sige. Kita nalang tayo maya. Pero baka humabol nalang ako since pupuntahan ko pa si Brylle." sagot naman nito. Hay naku napakabait at maalaga nya talagang kuya.
"Okay sige. O sya pasok na ako huh. Baka maabutan pa ako ni maam eh." saad ko ulit at saka pumasok na ako sa classroom namin.
"Goodmorning bessssss." bati ko sa dalawang bruha kong kaibigan.
"Goodmorning din guys." bati ko rin sa dalawang lalaking nasa likuran ng mga lokaret kong kaibigan.
"Good moring din bes.." sabay na bati nina Ivy at Lewis.
"Good morning din Josh." nakangiting bati naman ni Anthony.
"Morning too josh." bati naman ni Jeff.
Pero teka lang bat wala pa ata si James.. Hmmm.
"Ahmm di nyo ba nakasabay si James kasi wala pa ata sya eh." nag aalangan kong tanung sa kanila. Baka kasi ano pa isipin ng mga to.
"Hindi eh. Pero baka papasok na rin yun." sagot naman ni Jeff.
Kaya naman umupo nalang ako sa upuan ko at nakipagdaldalan sa mga lokaret kong kaibigan. At makalipas ang ilang minuto eh bigla akong kinalabit ni Mark. Kaya nilingon ko ito. Pero may tinuro lang ito sa harap.
"Ayan na pala ang hinahanap mk oh." mahinag sambit nito pagkalinhon ko sa kanya habang nakaturo ito sa harap.
"Tseee manahimik ka nga baka marinig ka pa." saway ko dito. At maya maya lang eh naramdaman ko na si James sa harap ko kaya naman nginitian ko ito ay binati.
"Good morning James." nakangiting pagbati ko dito. Pero di man lang nya ako hinarap at binati pabalik. At dahil dun ay parang sinaksak ako ng maraming punyal sa puso ko kasi naman ang sakit sakit. Pero baka naman badtrip lang sya kaya ganun lang sya. Iintindihin ko nalang sya baka mamaya ayos na yan.
Kaya naman eh bumalik nalang ako sa pinili pag kwentuhan sa mga kaibigan ko pero lumilingon lingon pa rin ko sa likod ko. At ganun pa rin si James. Nakabusangot pa rin ang mukha at halatang galit at badtrip ito.
At maha maya lang eh pumasok na ang guro namin at nag umpisa na ito sa pagtuturo.
Hanggang sa lunch time na. Pero nababagabag ako sa kinikilos ni James kasi naman. Pag may mga oras na nakakasingit ako ay sinusulyapan ko sya at kinakausap pero di man lang ito sumasagot. Na parang wala lang ako sa paligid. Na parang hangin lang ako. Haysst ano ba problema nya. Pero iintindihin ko nalang sya sa ngayon.
"Guys tara na gutom na ako eh." pag aaya ko sa mga kaibigan ko.
"Sige tara gutom na sina ko eh." sagot naman ni Lewis.
"Wait lang guys...... Asan na si James.. Kanina andito pa yun ahh." ganung ko sa kanila kasi kanina habang nagliligpit ako ng gamit eh nasa likuran ko pa yun. Pero nagkibit balikat lang sila. Means di rin nila alam.
"Tara na guys.. Hayaan na muna natin si James baka may problema lang yun." saad naman ni Jeff sabay lakad palabas ng room namin.
"Oo nga guys. Baka badtrip lang yun at gusto lang njn mapag isa ag makapag isip." dugtong naman ni Anthony kaya naman medyo napanatag rin ako kasi baka tama sila na baka may problema lang si James o baka naman eh badtrip lang.
Kaya naman sabay sabay na kaming lima na pumunta ng cafeteria para makapag lunch na.
Sakto namang pagkapasok namin ng cafeteria eh konti pa ang mga tao kaya naman dumeritso na kami sa usual spot namin at umupo habang ang dalawang lalaki ang kumuha ng pagkain namin. At maya maya lang eh dumating narin sila kasabay rin ng pagdating nina Carlo at Brylle.
Kaya naman kumain nalang kami habang nagkwekwentuhan, nagkakatuwaan, at nagtatawanan.
"Ayun pala si pareng James oh.." biglang saad ni James sabay turo sa kinaroroonan ni James kaya naman tinignan ko ito. Na dapat ag di ko nalang ginawa kasi nasasaktan ako. Kasi nakita ko syang masayang kumakain habang nagtatawan kasama sina Nicole.
"Kaya naman pala nawala. Eh may kasama naman palang iba." biglang saad naman ni Lewis kaya naman yumuko nalang ako.
"Akala ko ba bes ayos na kayo? At saka akala ko ba nagkausap na kayo kahapon? Pero bat parang magkagalit parin kayo." saad naman ni Ivy na ikinatameme ko.
"Iwan ko. Kahapon ayos lang naman kami eh." malungkot kong sagot.
"Baka naman kasi sinamahan lang nya yung mga girls since sila ang nakasama nito nung nagkagalit pa kayo Josh. Malay mo bukas kasama na natin yan." seryosong saad ni Jeff habang nakatingin sa akin. For sure alam nitong naapektuhan ako.
"Oo nga naman girls. Baka magpapaalam na yan na di na nakakasabay bukas. Hayaan na muna natin sya. Hala sige kain muna tayo." singit naman ni Anthony. Tama naman sya. Baka nga gama si Anthony.
"Okay ka lang ba??" sincere na pagkakasabi ni Carlo. Waaahhh ramdam nya ba ang kalungkutan ko.
"Yeaahh yeaahh okay lang ako." sagot ko naman dito. But the truth is im not. Kasi masakit eh.
Kaya naman pagkatapos naming kumain eh bumalik na kami ng classroom at lumipas nalang ang ilang oras eh ganun pa rin si James. Hindi namamansin. Seryoso lang ang mukha nito habang nakikinig sa leksyon namin. Hanggang sa sumapit na nga ang uwian eh ganun pa rin sya. At nauna na nga itong lumabas ng walang paalam.
Pero binalewala ko nalang baka naman nagmamadali lang yung tao. O baka naman eh may problema talaga sya.
Kaya naman eh umuwi na ako.
Lumipas nalang ang apat na araw at ngayon eh fridah na pero ganun parin ang sitwasyon namin. At lumala pa nga. Kasi nakipag palit pa ito ng upuan sa isa naming classmate at talagang iniiwasan na nya ako. At palagi ko nalang silang nakikita nj Nicole na masayang nag uusap at sweet sa isat isa na magkasama.
Ang sakit sakit lang pero wala naman akong magagawa kasi wala namang kami ni James. Pero sana kung may problema sya sa akin sana sinabi nya.
At kung may nagawa man akong mali ulit na ikinagalit nya sana sinabihan nya ako.
Ang sakit sakit lang makita na ang taong mahal mk eh nilalayuan ka at nakikita mo nalang na masayang nakikipag usap sa taong kinamumuhian mo.
"Besss okay ka lang ba??" biglang tanung sa akin ni Ivy na ikinabalik ng ulirat ko.
" ahh ehh oo a-ayos lang ako."pag isinungaling ko naman.
"Sure ka bess?? Halata kasi masyado sa mukha mo? Dahil ba to sa paglayo ag hindi pagpansjn ni James sayo??" seryosong saad naman ni Lewis.
"H-ha wa-waka ahh.. Okay lang naman ako. Marami pang akong iniisip mga bess." saad ko pa sa kanila. Pero sa totoo lang hirap na hirap at nasasaktan na ako masyado.
"Okay bes sabi mo eh.. Pero andito lang kami palagi huh." saad naman ni Ivg sabay yakap sa akin. Kaya niyakap ko nalang sila.
Hanggang sa malapit ng mag lunch time pero ako heto tulala at wala sa sarili.
Kailangan ko na talagang kausapin si James kung may problema ba kaming dalawa. Akala ko ko pa naman okay na kami. Mabuti nalang talaga at magaling akong magpanggap kaya naman hanggang ngayon di pa rin nahahalata ng mga Kuya ko na may problema ako.
Hayysssttt kailangan ko nalang makausap si James. Kaya dapat maunahan ko ito sa paglabas at saka ko sya haharangan dun malapit sa locker room kasi for sure dadaan pa to sa locker nya. Mabuti ng doon ko sya kausapin kasi walang tao dun tuwing lunch time.
At saktong nag ring ang bell eh mabilis akong lumabas ng room at nagmamadaling tumungo sa locker roon ng boys at tumago sandali baka kasi makita pa nya ako eh mabulilyaso pang plano ko.
"At di nga ako nagkamali kasi pagkaraan ng ilang minuto eh natatanaw ko na sya dito sa pinagtataguan ko na lumalakad papunta dito sa locker.
Kaya naman nung nakarating na to sa locker nya eh lumabas na ako sa pinagtataguan ko ngunit di pa rin ko nito napapansin kasi nakatalikod ito sa akin.
"James can we talk for a while." biglang saad ko dito pagkalapit ko na ikjnagulat nito ag mabilis na lumingon sa akin sabay pag seryoso ng mukha nito.
"Sige." maikling sagot nito.
"James may problema ba tayo??" tanung ko ulit pero nanatili pa rin itong seryoso at wala akong narinig na sagot.
"Akala ko ba okay na tayo.? Akala ko ba babalik na tayo sa dati pagkatapos nating mag usap nung nakaraan?? Pero bat ganito ang inaakto mo?? Ganun ba talaga ng galit mo sa akin at hanggang ngayon di mo pa ako mapapatawad kaya iniiwasan mo ako at di mo pinapansin."naiiyak na saad ko dito pero nanatili pa rin itong tahimik.
"Ano sumagot ka?? Ano di pa ba sapat ang paghinge ko ng tawad sayo huh?? Akala ko ba nung araw na nag usap tayo eh okay na ang lahat. Kasi akala ko nagkapatawaran na tayo?? Akala ko okay na tayo na mababalik na tayo sa dati. Yun pala akala ko lang ang lahat." saad ko dito at di ko na napigilan ang sarili ko eh bigla nalang nag unahang tumulo ang luha ko.
"Yun na nga Josh eh.. Akala mo lang. Di mo kasi alam at di ko ramdam ang sakit ng mga salitang sinabi mo sa akin. Oo aaminin ko na hanggang ngayon masakit pa rin. At ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo ng dumidikit ako sayo. Kaya ito ginagawa ko na." seryosong saad nito na ikinatulala ko habang patuloy na dumadaloy ang aking mga luha.
"At kung sa tingin mo ganun lang yun madaling kalimutan ang lahat ng masasakit na sakita mo at sa pagtataboy mo sa akin. Pwes sasabihin ko hindi ganun yun kadali Josh. Hindi yun ganun. At kung sa akala ko eh magiging okay na tayo dahil lang dun sa pag uusap natin njng nakaraan pwes akala mo lang yun. Pasensya na pero hanggang ngayon andito pa rin ang sakit na idinulot mo sa akin eh." malamig na saad pa nito habang seryosong nakatingin sa akin at may diin pa ang bawat salita nito.
"Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako at baka hinahanap na ako ni Nicole at magalit pa yun." dugtong pa uki nito at mabilis na umalis sa harapan ko habang ako heto naiwanan habang umiiyak dahil sa mga narinig ko sa kanya.
Hanggang sa may naramdaman nalang ako na may yumakap sa akin.
"Sssshhhh tahan na. Wag ka na umiyak." pagpapatahan nitong kayakap ko.
"Sshhh tahan na. Wag ka na umiyak. Pabayaan mo na sya. Andito naman kami ng mga kaibigan ko. Mabuti pa samahan ko ako may pupuntahan tayo." dugtong pa nito. Kaya naman eh tumigil na ako sa pag iyak at sumama nalang sa kanya palabas ng building.
Hanggang sa nakarating kami sa kanyang sasakyan at pinasakay nya agad ako. Saka nag drive sya paalis ng school.
Hanggang sa lumipas ang ilang minuto eh huminto kami sa isang napakagandang lugar na makikita mo ang kabahayan.
"Wow ang ganda naman dito Carlo." manghang saad ko dito. And yes tama kayo. Si Carlo lang naman ng nakakita sa akin habang umiiyak.
"Mabuti naman eh kahit papano napasaya kita." nakangiting sagot naman nito.
Kaya naman nilapitan ko ito af niyakap ng mahigpit.
"Thank you huh.. Kasi palagi kang andyan sa tabi ko." nakangiting saad ko dito habang nakayakap.
"Wala yun. Anonpat naging kaibigan mo ko. At tungkulin ko na pasayahin ka. Lalo na ngayon na may problema ka." sagot naman nito.
Hay naku malaki talaga ang pasasalamat ko sa lalaking to kasi naman di sya nawawala sa tabi ko lalo na ngayon na may pinagdadaanan ako. Pank nalang kung wala sya siguro di ko kakayanin to.
At dahil sa nangangalay na ang mga paa namin eh umupo nalang kami sa damuhan habang nakayakap pa rin ako sa kanya at nakaakbag naman sya sa akin habang pinapanuod namin ang buong lugar at mga kabahayan sa baba.
JAMES P. O. V.
"Oh ano hanggang tingin ka nalang. Kung hindi ka rin kalahating bobo at kalahating gago para awayin at pagsabihan ng ganun si Josh tapos ngayon nasasaktan ka habang nakatanaw sa kanilang dalawa." biglang saad ni Anthony na andito sa tabi ko sa loob ng sasakyan ko. At kung nagtataka kayo kung nasaan ako. Pwes andito lang naman ako sa loob ng aking sasakyan habang tinatanaw ko ang aking pinakamamahal na may kayakap na iba.
Pagkatapos kasi naming mag usap kanina eh di naman talaga ako umalis. Nagtago lang ako at pinagmamasdan sya. Hanggang sa umalis nga sila ni Carlo dun sa pinag usapan namin kanina kaya sinundan ko sila. Kaya heto ako ngayon nakatanaw sa kanilang dalawa at nasasaktan. Kasalanan ko naman eh.
"Alam mo ba tol na sobrang lungkot nyan ni Josh nung mga nagdaang araw at dahil yun sa hindi mo pagpansin sa kanya. Pero matanong ko lang bat di mo nga sya pinansin ng buong linggo?" saad pa nito.
Kaya wala na akong magagawa nito kundi sabihin sa kanya ng dahilan ko kung bat ganun nalang g trato ko kay Josh.
* FLASHBACK*
Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang saya at excited kasi naman ayos na kami ng babe ko. Kaya di na ako nag aksaya ng oras mabilis kong tinungo ang aking banyo para makaligo.
Pagkaraan ng ilang minuto eh lumabas na ako at mabilis na nagbihis. Pagkatapos nag suklay at naglagay ng wax para naman maging gwapo ako sa paningin ng babe ko kahit na gwapo naman talaga ako. Pagkatapos nagspray din ako ng kaunting pabango saka mabilis na bumaba para kumain.
"Good morning everyone." masiglang bati ko sa lahat ng narito sa dining area.
"Oh ano nakain mo at ganyan ka kasigla anak." tanung ni mom.
"Wala lang naman mom." sagot ko dito sabay halik sa kanyang pisnge.
"Wala lang pero ang ngiti mo kakaiba. Hmmm. " singit naman ni ate.
"Wala naman talaga ate. Masaya lang ako dahil sa wakas nagkausap at nagkaayos na kami ng babe ko." masayang saad ko naman.
"Ayun naman pala eh. Kaya pala ganyan nakangiti. O sya kumain ka na dito baka Malate ka pa." saad naman ni mom kaya naman mabilis akong umupo sa upuan ko at mabilis na kumain.
Pagkatapos kong kumain eh mabilis akong nagpaalam sa kanila at tinungo ang aking sasakyan at saka ko pinaharorot. At masaya akong nakarating ng paaralan.
At masaya akong naglalakad sa hallway na may malaking ngiti sa aking mga labi dahil sa tuwa. Ngunit napawi ang ngiti kong ito ng may narinig akong nag uusap.
"Oh my gosh girl grabe talaga ang ganda ni Josh. Biruin mo boyfriend nya na si Carlo yung isa sa campus heartthrob na captain ng soccer varsith team." saad nung isang babae. Na mukhang ka year level lang namin.
"Oo nga girl i heard na palagi daw yun sa bahay ng mga MC ADAM kaya pala kasi sila na." saad naman nung isa na mas lalong kinainit ng ulo ko.
"At ito pa girl may nakakita raw a kanila na nagyayakapan habang naghahalikan kahapon dun sa terrace ng mga MC ADAM. Grabe ang sweet nila" saad naman nung parang nerd kasi mag suot na salamin habang ako aty nagtitimpi na di makagawa ng kung ano.
"At ito pa huh. Kung hindi raw ana pinakiusapan ni Carlo si Josh na makipag usap at makipag bati kay James. Siguro hanggang ngayon magkaaway pa yung dalaw." saad naman ni g bakla. Kaya naman mas lumala ang galit ko.
"Hala yun pala yun. Akala ko naman totoo talaga na makipag bati si Josh yun pala napipilitan lang dahil sa bf nya." react naman nung naunang nagsalita kanina. At di ko na kayang makinig kaya naman tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad na puno ng galit.
Akala ko ba totoo ang lahat ng pinagsasabi nya kahapon. Yun pala napipilitan lang. Pwes ganun ang gusto nya edi ibibigay ko. Saad ko sa isip ko habang patuloy na naglalakad hanggang sa nakita ko sina Josh at Carlo na masayang naglalakad habang naghaharutan na ikinagalit ko lalo.
Kasi nasasaktan ako kasi mahal na mahal ko yung tao. Kaya ayun pumasok na ako pero wala akong pinansin kahit na niisa. Dahil sa galit na galit ako dahil dun sa mga nalaman ko.
*End of flashback*
"Dahil dun nagalit ka. Di mo man lang kinausap si Josh. " singhal nito sa akin.
"Para ano pa?? Para ideny nya lahat ng narinig ko." sagot ko dito.
"Dj naman sa ganun tol. Pero sana kjnausao mo muna sya. Ayan tuloy baka maagaw na yan talaga sayo. Kita mo naman ang kasweetan ng dalawa." saad naman ni Jeff na nasa likuran namin.
"Tama si Jeff tok sana kinausap mo muna si Josh. Malay mo hindi pala yun totoo." dugtong naman ni Anthony. Kaya napaisip ako. Tama nga naman sila. Hay ang bobo ko talaga nagpadala ako sa galit ko at mas pinaniwalaan ko pa ang tsismis kesa sa kausapin si Josh.
"Tol ano gagawin ko. Ayaw ko na may ibang makakuha sa kanya. Mahal na mahal ko sya tol." saad ko naman sa kanila.
"Simple kang tol. Bumawi ka sa kanya at kausapin ko sya. Sabihin ko lahat ng narinig mo sa kanya malay mo mapatawad ka nya." seryosong saad ni Jeff. Kaya naman may naisip na akong plano.
Just wait babe. Magiging akin ka rin.. At di ko hahayaan na may iba pang makaagaw sayo.
Kaha naman umalis na ako sa lugar na yun para pag usapan namin ang planong gagawin ko.
----------------------cjme----------------------------
Waahhh ayan nakapag update nanaman ako.
Anyway sorry sa mga wrong grammar, wrong spelling at ga typos and errors.
Tsaka sorry kung natagalan ako sa pag UD.
Enjoy reading guys.
©CasseopiaJaneMinneaE