Ang bawat sulok ng silid aklatan ni Don Marcelito ay and tila pilit na kumukulong sa isang sikretong matagal nang itinatago. Ang amoy ng lumang leather na pabalat ng mga libro ay humahalo sa matapang na amoy ng scotch at tabako, na lumilikha ng isang hangin na nakakahilo at nakaka-suffocate. Sa gitna ng silid, ang tanging nagbibigay ng buhay ay ang aandap-andap na liwanag mula sa isang tulyis na lampara sa ibabaw ng mesa. Umupo si Marcelito sa kanyang malaking silya na gawa sa mahogany. Inabot niya ang isang baso ng scotch, hindi para inumin, kundi para lamang may mahawakan ang kantang nanginginig na mga daliri. “Iridessa..” simula niya, ang boses ay paos. “Ang katotohanan ay hindi laging nagpapalaya. Minsan, ito ang nagsisilbing rehas na magkukulong sa iyo sa galit. Pero hindi ko na h

