Sa loob ng madilim na suite na tanging liwanag ng New York skyline ang nagbibigay ng anino, naging mas mabilis ang bawat hininga. Hindi na nakapaghintay si Marcelito na marating ang kama. Sa mismong pader, naramdaman ni Iridessa ang pagkasabik ng Don sa kanya. Walang pakundangan na hinawakan ni Marcelito ang mamahaling tela ng black velvet gown ni Iridessa. Sa isang malakas na hila, narinig ang tunog ng punit na tela. Wala siyang pakialam kung bigay pa ito ni Ledger o kung gaano pa ito kamahal—ang tanging gusto niya ay makita ang balat ng babaeng pagmamay-ari niya. "Papa... ang gown ko bakit mo pinunit?! Bigay iyan sa akin ni Ledger," gulat na bulong ni Iridessa, bagaman mas nangingibabaw ang pananabik sa kanyang boses. "Punitin natin lahat ng bakas ng pinsan ko sa katawan mo," paos na

