Hindi makakilos si Iridessa. Ang kanyang pagkalasing ay parang biglang bumalik. Yung mga mata nito ay naniningkit, imbes na tumakbo nanatili siyang nakasandal sa pinto. Tinitingnan ang biyenan nang may halong gulat at paghahamon na siya mismo ay hindi maipaliwanag. Dahan-dahan bumangon si Marcelito, hindi inaalis ang tingin sa manugang. Ang kahihiyan sa kanyang mukha ay mabilis na napalitan ng isang madilim at seryosong ekspresyon. Alam niyang nahuli na siya; wala nang saysay ang magpanggap. “Iridessa..” marahan niyang tawag, “Kanina ka pa ba riyan?” Tanong niya, kahit alam na kung anong isasagot ng manugang. Sa halip na sumagot ay pumasok si Iridessa sa loob ng kwarto. Bawat hakbang niya’y lalong nagpapabilis ng pagtib0k ng puso ni Marcelito. Tumigil siya sa paanan ng kama ni Marcelito

