Ang mainit na tubig mula sa rain shower ay tila naghuhugas sa lahat ng pagod at tensyon sa katawan ni Iridessa. Sa loob ng malawak at marangyang banyo, pakiramdam niya ay ligtas siya. Lalo na nang maramdaman niya ang malalapad na palad ni Marcelito na dahan-dahang sinasabunan ang kanyang balat—isang haplos na puno ng pag-iingat pero ramdam ang pagmamay-ari. "Napapaisip ka na naman," bulong ni Marcelito, ang kanyang baritong boses ay umalingawngaw sa basang pader ng banyo. Huminto ang kanyang mga kamay sa balikat ni Iridessa at dahan-dahan itong hinilot. "Dapat masaya ka na. Wala na si Triton sa landas mo. Ang tinik na matagal nang nagpapahirap sa ’yo, nabunot na natin." Humarap si Iridessa sa kanya. Ang basang buhok ay nakadikit sa kanyang mukha, at ang mga patak ng tubig ay naglalaro sa

