Chapter 116

1934 Words

Mabilis na bumaba si Shantelle sa kama at inayos ang sarili. Kinuha niya ang cellphone at biglang kinabahan ng makita na tumawag pala si Stanley. Agad na lumabas ng kwarto si Shantelle at tinungo ang pinto palabas ng opinisa ni Reynald. "Reggie, ihatid mo na siya sa baba," utos ni Reynald. Tumango lang si Riggie. Agad niyang sinundan si Shantelle. Mabilis ang hakbang ni Shantelle habang tinutungo ang direksyon ng elevator. Pagkabukas niyon ay agad siyang pumasok at pinindot ang button papunta sa floor kung saan siya nag-oopisina. Nagmadali namang sumunod si Riggie sa kanya. Tahimik silang dalawa sa loob ng elevator. Maya-maya pa ay bumukas na iyon. At paglabas ni Shantelle ay siya ring labas ni Stanley sa kabilang pinto ng elevator. Salubong ang kilay na napatingin siya sa dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD