Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong silid. Hindi alam ni Shantelle kung ayaw siyang tantanan ni Reynald. Maraming babae ang nagkakagusto dito at nababagay, bakit siya ang pinipeste nito? Napatingin si Shantelle kay Reynald. Nanindig ang balahibo niya nang magtama ang tingin nila. Bakas kasi sa mukha nito ang galit. "K-kung wala ka ng ibang sasabihin babalik na ako sa trabaho ko," wika niya. Nagsalubong ang mga kilay nito at lalong naningkit ang singkit nitong mga mata. Kung papakawalan niya ang babae na ito at isipin na babalik lang ito sa mga bisig ni Stanley ay lalo lang siyang nainis. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, mahal mo na ba si Stanley?" kahit na hindi handa sa magiging sagot ni Shantelle at naglakas loob siyang tanungin ito. He also felt that he was as

