Caius Pov IPINAKITA KO kay Sunset ang mga picture niya maging ang mga panyo niya na pinakuha ko sa classmate niya nong elementary pa lang kami. Maging ang p.e uniform niya ay pinakita ko kaya gulat na gulat siya ng matuklasan niya yun. Sinabi ko sa kanya ang lahat maging ang pagkabaliw ko sa kanya. Ayaw niyang maniwala n'ong una ngunit kalaunan ay naniwala din siya sa 'kin. Pinagtapat ko ang nararamdaman ko saknya ngunit ayaw na niya sa 'kin. Ayaw na niya akong tanggapin. Lahat ng ginawa ko pati ang mga pinsan kong si Angel ay sinabi ko din sa kanya. Nagulat pa siya nang malaman niyang pinsan ko si Angel na pinagseselosan niya dati. Sinabi ko din na alam ko ang ginagawa niya sa mga acting girlfriend ko nong high school pa lang kami. Maging ang sa cctv ay sinabi ko din sa kanya. Wal

