ILANG ARAW ko ng iniisip ang mga sinabi ni Sebastian sa 'kin. Pakiramdam ko kasi ay may pinupunto siya. Hindi ko na nga lang sinabi kay Perseus ang mga sinabi niya at baka magalit pa. Ayaw ko naman magka galit sila dahil lang sa 'kin. Nandito ako ngayon sa garahe at nililinisan ko ang kotse ni Perseus. Inabala ko ang isipan ko para mawala yun. Tulog pa naman si Perseus dahil napuyat siya kagabi. Kinain na naman kasi ako magdamag. Mabuti nalang din pala na nandito si Perseus dahil hindi laging bumibisita si Sebastian dito sa bahay. Ngayon ay hindi daw siya pupunta dahil may pupuntahan siya. Nagpaalam kasi yun kay Perseus kahapon. Pinagdarasal ko nga na sana hindi na siya pumunta dito dahil naiilang talaga ako sa kanya. Sa titig palang niya ay hindi na ako mapakali, para bang hinuhubar

