SABAY SABAY kaming kumain ng pamilya ko habang panay ang daldal ni Sunset. Kinekwento kasi niya ang kalaro niya kagabi. Natatawa kami ni mommy dahil panay ang reklamo niya na ang sungit sungit daw ni Caius. Sinabi pa niya na crush pa naman daw niya si Caius kaya ayon pinagalitan ni daddy dahil ang bata-bata pa, crush na agad ang nasa isip. Natahimik na lang tuloy siya habang naka nguso. May pasok si Sunset ngayon kaya naisipan kong ihatid siya sa school nila. Tuwang tuwa nga siya na ihahatid ko siya at hindi si yaya daw ang kasama niya. Si Eugene ang kasama namin na maghahatid samin sa school. "Finished your food, Sunset. Baka malate ka na school mo." Saad ni daddy kaya nagmadaling kumain si Sunset. Ako naman ay tapos na kumain at hinihintay nalang na matapos si Sunset. Ilang sandal

