INAYOS KO ang baon ng mga kapatid ko tulad ng dati. Natutuwa ako dahil tinutulungan ako ni Perseus magluto ng breakfast. Medyo malayo kasi ang paaralan ng mga kapatid ko kaya hindi na sila umuuwi ng tanghali sa bahay para tipid. Kaya nagbabaon nalang sila at binibigyan ko sila ng baon dati na pera. Kung dati ay 15 pesos bawat isa sakanila, ngayon ay 2k ang bibigay ni Perseus kay Cali at Robert. Ayaw ko sanang pumayag dahil masyadong malaki ang 2k. Pwede na ang 50 pesos para sa mga kapatid ko. Pero makulit si Perseus at ayaw paawat. Ihahatid din namin sila sa school dahil bibili kami ni Perseus ng aircon. Akala ko biro-biro lang niya ang sinabi niyang bibili siya ng aircon kagabi, yun naman pala ay totoo. Nakapag bihis na ang mga kapatid ko kaya agad silang kumain sa niluto ni Perseus.

