HINDI TALAGA ako pinansin ni sir Perseus. Hindi ko tuloy alam kung sa kwarto ba niya ako matutulog o hindi. Kanina pa kasi niya ako dinadaanan kaya medyo nalungkot ako. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Napabuga ako ng hangin at naisipan nalang na lumabas ng kwarto niya. Sa sala nalang ako matutulog, lock naman kasi ang kwarto ko kaya wala akong pagpipilian. Ayaw ko din naman sa maid's room. Pipihitin ko na sana ang siradura ng pinto ng hawakan ni sir Perseus ang kamay ko. Hinila niya ako paharap sakanya kaya nagulat ako. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sa galit na boses. "Sa labas po, sir Perseus. Sa sala nalang po ako matutulog," malungkot kong sabi. "Sinong may sabi sa'yo na sa sala ka matutulog?" Tanong niya sa 'kin habang naka kunot ang nuo. "Eh kasi naman.. hi

