TATLONG araw na simula ng kidnapin ako ni Eugene at dinala dito sa bahay niya na malapit sa dagat. Hindi ako lumalabas ng kwarto at sinigurong naka lock ang pinto upang hindi siya makapasok. Sa tatlong araw na yun ay hindi parin ako kumakain kahit anong pilit ni Eugene sa 'kin. Hindi ako sumasagot kapag tinatawag niya ako. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang karagatan mula sa bintana ko. Kanina pa ako dito at iniisip ang mangyayari sa 'kin. Napaayos ako ng tayo ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Mukhang sapilitan ng binuksan yun ni Eugene dahil hindi ako sumasagot. Nakita kong hinihingal siya habang nakatitig sa 'kin. Halata sa mukha niya ang pag-aalala ngunit hindi ako nagpa apekto. Ganyan din kasi ang itsura niya dati ngunit palabas lang pala niya lahat.

