Chapter 37

1620 Words

NAGISING AKO na parang may humahaplos sa binti ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita agad si Sebastian. Nakangiti siya sa 'kin na para bang walang pinatay na tao. Agad kong pinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto at halos mataranta dahil hindi pamilyar sa 'kin ang kwarto. Bumangon ako sa kama saka tinulak ng malakas si Sebastian. "Hayop ka! Nasaan ako? Sa'n mo ko dinala?!" Galit kong sigaw sa kanya. "Italy, mahal ko. Welcome to my home. Bahay mo narin 'to simula ngayon." Naka ngiti niyang sabi. Hindi ko malaman kung naka gamit ba siya ng drugs dahil pakiramdam ko ay iba ang takbo ng isip niya. Natatakot ako pero hindi ko pinapakita sa kanya yun, kailangan kong mag matapang hanggang sa mahanap ako ni Perseus. "Walang magmamahal sa'yo, Sebastian. Alam mo kung bakit?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD