Eugene's Pov Hindi na ako pumasok kinabukasan. Panay din ang text sa 'kin ni Sunshine kahapon ngunit hindi ko 'to sinasagot. Pinatay ko na lang ang cellphone ko upang hindi ko makita ang mga text niya. Balak ko ng tumigil sa pag-aaral. Nawalan na ako ng gana at gusto nalang mag mukmok sa kwarto. Kanina pa din panay ang katok ng katulong ko sa labas ng kwarto at pinapalabas ako. Ngunit hindi ako nakikinig. Ayaw kong kumain o kahit ano man lang. Sumunod na araw ay hindi parin ako pumasok sa school. Hanggang sa umabot ng isang linggo hanggang sa naging isang buwan. Tuluyan na akong nag drop out sa school. Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa secretary ng daddy ko. Sinabi nito na naaksidente ang sinasakyang kotse ni daddy at mommy and dead on arrival silang dalawa sa hospital. W

