Sunshine Martinez Pov NAGTATAWAN kaming ng mga friends ko habang nandito kami sa canteen. Pinagtatawanan kasi namin ang isang estudyante na nerdy at baduy kong pumorma. Ewan ko ba kung bakit ganun ang style niya manamit. Ang dami tuloy pinagtatawanan siya. Grade 11 na ako habang siya naman ay grade 12. Sa tuwing pasukan ay hindi talaga nagbabago ang style niyang manamit. Nakakairita tignan dahil halatang wala siyang taste. Wala din siyang friend dahil walang gustong lumapit o makipag usap man lang sakanya. Aaminin ko matalino siya, matangkad pero bagsak talaga sa porma. May suot pa talaga siyang makapal na eye glass kaya sobrang nerd ng lalaki. "Uy bess.. crush mo oh," saad sa 'kin ni Zoey sabay turo sa kabilang table kung saan nakaupo ang nerd na si Eugene Morales. Umirap ako kay Zoe

